Thursday, December 30, 2004

Brief na masikip!

Ang hirap pala ng lumalaki ang chan sumisikip ang brief naiipit tuloy ang ano ko... ang... ang...
ang lower abs ko hehehe. Lalo na kapag umuupo tapos mainit ang panahon tsk pinagpapawisan ang... ang... ang... garter ng brief ko hehehe. Nakakairita tsk. Kailangan ko ng mag exercise para lumiit ang aking chan. Pero mas madali yata ang bumili ng bagong brief kesa sa mag exercise. Hmmm oo nga hayaan mo na siyang lumaki (yung chan ko) uso naman yan e hehehe.


Tuesday, December 28, 2004

Bagong Taon

Natatandaan ko noong ako ay nasa elementarya pa lamang pagkatapos ng bagong taon unang pasok sa eskwela, pinasulat kami ng aming guro kung ano ang aming gustong baguhin ngayong bagong taon, ang tawag daw dito ay new year's resolution. Unahan at paramihan, halos mapuno ang aming sinusulatang papel.

Bagong taon ay mag bagong buhay, sinubukan nya, sinubukan nila, sinubukan mo, sinubukan ko, sinubukan nating lahat ngunit hanggang umpisa lang at bihirang bihira ang nag-tatagumpay. Nandoon ang kagustuhang magbago pero matindi pa rin ang hatak ng maimpluwensyang mundo. Isa na namang bagong taon, taon na lang ba ang laging magbabago?

Basahin: Roma 6:4



Friday, December 24, 2004

Pasko Sa Piling Mo (huling bahagi)

Napakatahimik ng buong paligid parang nabingi ako ng mga sandaling iyon. Nakita ko na lamang ang aking sarili na nakatayo katabi ang mag asawang iyon umiiyak sa panahon ng kapaskuhan. Tinatanong ko sila ngunit hindi nila ako naririnig. Tinatawag ko sila ngunit hindi nila ako pinapansin. Sinubukan ko silang hawakan ngunit bakit ganito hindi ko sila mahawakan. Sa pagkakataong iyon ay tumulo ang kauna unahang luha sa aking mga mata. Pumatak ang aking luha sa balikat ng ginang na nagbigay pansin sa kanya. Tumingin siya sa luha at tila bang nagtataka kung bakit may naramdaman siyang patak ng luha sa kaniyang mga balikat. Tinungo ng kanyang mga mata kung saan nagmula ang mga luha at nagulat ako ng tumama ang kanyang mga mata sa aking mga mata.

"Narito siya, narito ang anak ko!!"

"AKO?! ako ba ang tinawag niyang anak!?"

Ang sarap pala ng pakiramdam ng may tumatawag sa iyong anak. Siya nga. Sila nga ang aking hinahanap sila ang aking pamilya. Dito ako nakatira.

Tumingin siyang muli sa akin...

"Anak patawarin mo ako sa ginawa ko sa iyo. Kung hinayaan lamang kitang mabuhay sana ay malaki ka na ngayon. Patawarin mo ako na pinatay kita ng ika'y nasa aking sinapupunan pa lamang. Patawarin mo ako anak. Patawad."

Ngayon alam ko na.





ISA PALA AKONG UTOT!! =D


WAKAS



Monday, December 20, 2004

Basketball

Buset na slamdunk. Napapanood ko ito sa ayaw at sa gusto ko kasi itong mga bus e lagi kong na tityempuhan palabas slamdunk. Nasusundan ko tuloy ang istorya maskina nagkakanda duleng na ako kakanood sa bus e pinapanood ko pa din naadik na yata ako. Kaso kainis talo sila ng Kainan team nung nakaraan ang nagpatalo e si Sakuragi mali ang pinasahan. Iyak ang gunggong. Gunggong talaga! Nakakatawang nakakaiyak. hehehe

Saturday, December 18, 2004

Survey na naman

1.Ano para sayo ang pangalan mo?
musika

2.Ano para sayo ang gf o bf mo?
pangarap

3.Ano para sayo ang buhay?
hindi patay

4.Ano para sayo ang kaibigan?
kayamanan na kadalasan ay walang silbe

5.Ano para sayo ang musika?
pangalan ko

6.Ano para sayo ang pelikula?
pampalipas oras

7.Ano para sayo ang gera (war)?
kailangan ng sangkatauhan para maunawaan kung ano ang kapayapaan

8.Ano para sayo ang pagmamahal?
pagunawa at pagrespeto

9.Ano para sayo ang kulay?
kagalakan, kasiglahan at kabataan

10.Ano para sayo ang pagkain?
pangangailangan ng katawan

11.Ano para sayo ang halik?
umpisa ng laban =D

12.Ano para sayo ang yakap?
umiinit na ang laban

13.Ano para sayo ang sex?
naglalabanan na =D

Trip:

1.Ano para sayo si Avril Lavigne?
dunno

2.Ano para sayo si EMINEM?
melts in your mouth...

3.Ano para sayo ang survey nato?
walang kwenta pero pinagiisip ako

4:Ano para sayo ang friendster?
kapag wala ka ng maisip na magawa

5:Ano para sayo ang bumabasa nito at sumasagot narin?
katulad kong walang magawa

6:Ano para sayo ang kulay ng pangloob ng bumabasa nito o sumsagot nito?
sisilipin ko mamaya 8)

7:Ano para sayo ang pasko?
sakit sa bulsa ng mga employer

8:Ano para sayo ang new year?
bagong taon

9:Ano para sayo ang babae?
para sa lalake

10:Ano para sayo sapatos?
para sa paa

11:Ano para sayo ang relo?
para sa braso

12:Ano para sayo ang trabaho mo?
kapaguran na may bayad

13:Ano para sayo ang pangarap?
inaasahan sa buhay na kadalasan ay hindi natutupad


Thursday, December 16, 2004

Survey

NAME:
ahl

DO YOU THINK YOU'RE NORMAL:
ab =D

DO PEOPLE FIND YOU STRANGE:
yup

DO YOU BELIEVE IN GOD:
yup

DO YOU SIN A LOT:
yup

DO YOU BACKSTAB:
nope

ARE YOU A GOOD FRIEND:
nope =D

ARE YOU IN LOVE:
yup

ARE YOU YOUNG:
yup

EVER BEEN A LEADER OF SOMETHING:
yup

EVER KILLED A LIVING CREATURE:
yup.. try mo lumapit ka sa akin mamaya

LAST ODD THING DONE:
hmm... secret

DO YOU WEAR MAKE-UP:
yup... sa gabi lang =D

DO YOU REBEL:
yup

EVER STARTED A FIRE:
yup

DO YOU THINK YOU'RE EVIL:
yup

DO YOU LIKE LYING:
nope

DO YOU REGRET:
yup

DO YOU HAVE A BESTFRIEND:
yup

DO PEOPLE HATE YOU:
yup

DO YOU HATE PEOPLE:
yup

CAN YOU KILL SOMEBODY:
nope

DO YOU CUT YOURSELF?
nope

EVER TASTED BLOOD:
yup

DO YOU CARE WHAT OTHERS MAY THINK
OF YOU:
yup

EVER DONE ANYTHING OCCULT:
yup

ARE YOU GOTHIC:
nope

DO YOU SMOKE:
nope

CONSUME DRUGS:
yup

WHAT DO YOU WEAR:
damit

YOUR SKIN COLOR:
kayumanggi

DO YOU LIKE THE SUN:
nope

HAVE YOU LOST SOME ONE YOU LOVE:
yup

HOW DOES GRIEF FEEL:
para ba yang brief? kapag masikip in grief ka talaga =D

YOUR ROLE MODEL:
fpj?

YOUR HEART DESIRES TO BE WITH
WHOM:
secret

YOUR LISTENING TO:
none

DO YOU HATE YOURSELF:
yup

------------------------------------------------

Walang ma ipost kaya pinatulan ko na tong survey



Tuesday, December 14, 2004

Wala na si Da King

Medyo nalungkot ako ngayong umaga ng mabalitang pumanaw na si FPJ. Hindi naman ako fan ni FPJ at bihira din akong makapanood ng kanyang mga pelikula pero ayon sa mga nakakakilala sa kanya ay marami siyang lihim na natulungang mga kababayan nating mahihirap. Marami pa sana siyang matutulungan pero hanggang duon na lang ang itinakda ng Dios para sa kanya.

Naisip ko na ang Dios pa rin ang magdedesisyon kung hanggang saan na lang ang buhay mo. Kahit na milyong katao pa ang manalangin para dugtungan pa ang buhay mo e bale wala ang lahat ng mga ito.

May panalangin palang nababalewala?


Monday, December 13, 2004

Pasko Sa Piling Mo (ikaapat na bahagi)

"Tahan na wala na tayong magagawa matagal na panahon na iyon."

"Matagal na panahon nga pero buong buhay kong pagsisisihan ang ginawa kong iyon."

"Pinatawad na kita, pinatawad ka na rin ng mga mahal mo sa buhay na sinaktan mo kaya't tahan na."

"Patawarin man ako ng lahat ng taong nasaktan ko hindi ko pa rin mapapatawad ang sarili ko."

Natulala ako ng mga oras na iyon habang nakikinig sa kanila. Ano nga ba ang nagawa niya at hindi niya mapatawad ang kaniyang sarili. May mga tanong sa aking isipan. Magulo ang aking pakiramdam at hindi ko alam kung anong dahilan. May nagsasabi sa aking kaloob looban na dito ako kabilang.

"Ang anak ko... ang anak ko... pinatay ko ang sarili kong anak!" pabulong niyang sambit sa kanyang asawa.
"Shh... tama na yan! tuwing pasko na lamang ba ay magkakaganyan ka? Tama na yan."

Nagulat ako, nabigla at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
"Pinatay niya ang sarili niyang anak?! Bakit?! anong kasalanan ng kanyang anak at humantong sa ganoong sitwasyon!?"

itutuloy ...

Friday, December 10, 2004

Preaching

Friday na ngayon pinilit ko uling alalahanin kung ano ang preaching ni pastor... hmmm... ala ako maalala kundi yung pangalan ni Jonas na kinain ng malaking isda. Hindi ko na maalala yung mga pointers nya.

Alalahanin nga e hirap ako magawa ko pa kaya? =D



Wednesday, December 08, 2004

Someday At Christmas

Minsang narinig ko ang pamaskong awitin ng jackson 5 na "someday at christmas" siguro naman ay napakinggan na natin ang lumang awiting ito na bihira ng patugtugin sa panahon ng kapaskuhan. Isa ito sa mga paborito kong pamaskong awit dahil sa magandang mensahe nito.

Someday At Christmas

Someday at christmas men won't be boys
Playing with bombs like kids play with toys
one warm december our hearts will see
A world where men are free

Someday at christmas there'll be no war
When we have learned what christmas is for
When we have found what life's really worth
There'll be peace on earth

Someday all our dreams will come to be
Someday in a world where men are free
Maybe not in time for you and me
But someday at christmas

Someday at christmas we'll see a land
With no hungry children
No emtpy hand
One happy morning people will share
A world where people care

Someday at christmas
There'll be no tears
When all men are equal
No man has fears
One shining moment
One prayer away
From our world today

Someday all our dreams will come to be
Someday in a world where men are free
Maybe not in time for you and me
But someday at christmas time

Someday at christmas
Men will not fail
Hate will be gone
And love will prevail
Someday a new world
That we can start
With hope in every heart


Bukod sa magandang mensahe ay mayroon din itong magandang himig. Kapansin pansin din ang napakanda at naglalarong bassline na pumupuno sa beat nito. Sa panahon natin ngayon ay bihirang bihira na ang gumagawa ng ganitong klase ng bassline.

Para sa akin ay walang makabagong pamaskong awitin na makakatalo sa "someday at christmas" ng jackson 5. Gusto mo pakinggan mo pa. =D

Tuesday, December 07, 2004

Yahoo!

ANO!!?? 250MB? ANG LAKI NAMAN NYAN? 250MB!!??
Kahapon ko lang napansin na ang email account ng Yahoo e 250mb. Palagay ko e ala pang tumatapat dun sa dati nilang 100mb tapos dinagdagan pa nila tsk ibang klase parang hindi kapanipaniwala. Saan kaya sila kumukuha ng space para sa milyon nilang subscriber. Ang tinde YAHUNG YAHOOO!!


Monday, December 06, 2004

Pasko Sa Piling Mo (ikatlong bahagi)

Gusto kong maramdaman ang yakap ng aking ina. Gusto kong maramdaman ang yakap ng aking ama. Gusto kong ring makipaglaro sa mga bata sa kapitbahay at maranasan ang kagalakang kanilang nadarama. Gusto kong turuan din ako ng aking kapatid at maipagmalaki niya kapag ako'y marunong na.

Naramdaman ko na lang na bumangon ang ina ng bata at dali daling tiningnan kung anong oras na. Ginising niya ang kaniyang asawa at ang kanyang anak sabay bulong ng ...

"Maligayang Pasko sa inyong dalawa. Gising na kayo ay tayo'y kumain at magbukas ng mga regalo." sambit niya habang nakangiting tinitignan ang dalawa. Masaya ang aking naramdaman ng mga oras na iyon. Ang sarap pala ng may ama't ina na kumakalinga. Gusto ko mang manatili sa lugar na iyon ay hindi ko magawa.

Bumangon ako at patuloy na hinanap kung saan ako nakatira. Pagod na ako, hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. Umupo ako sa isang tabi at napansin kong may tila umiiyak. Hinanap ko kung saan nagmumula ito at nakita ko ang isang lumang bahay na nasa bandang likuran ko lamang. Pumasok ako at nakita ang isang ginang na pinapatahan ng kanyang asawa.

itutuloy ...

Thursday, December 02, 2004

Bagyo

Pagkatapos ng bagyo winnie e, si yoyong naman. Nagiiba na nga ba talaga ang panahon at ang panahon ng kapaskuhan e nagiging panahon ng bagyo? Noong bagyong winnie e umulan ng pagkalakas lakas.

Ano ba naman to kung kelan nakapaglagay na ako ng mga kristmas lights e saka uulan ng malakas hindi kaya masira ito kapag nabasa ng ulan? Inaalala ko din yung bahay namin na hindi pa tapos, paniguradong tutulo na naman. Hindi nga ako nagkamali naiipon na naman ang tubig sa itaas at ang nagyari ay naglimas ako ng naglimas ang resulta sinipon ako at sumakit ang lalamunan ko. Tapos eto na naman may darating na isa pang bagyo at hindi lang bagyo super typhoon pa tsk.

Nakita ko ang mga nasalanta ng mga dumaang bagyo at ito ay nakapagdulot ng napakalaking pinsala sa mga kababayan nating nasa probinsya. Kaya't ang gobyerno ay naghahanap ng maituturo kung sinong dapat sisihin sa mga flash floods na nangyayari. Pero pasalamat pa rin tayo at may mga kababayan pa rin tayong may pakialam sa ating mga kababayan nating nasalanta. Naisip ko paano kaya ang magiging pasko ng mga taong nawalan ng tahanan, kabuhayan, at mga mahal sa buhay hindi ba't parang napaka mesirableng isipin. Samantalang ikaw e hindi mo maisip kung ano ang iyong mga bibilhin na pangregalo sa mga kaibigan mo.

Hay... ganun talaga ang buhay minsan nasa itaas at minsan ay nasa ibaba at mananatiling nasa ibaba. buti nga ako ang iniisip ko lang e yung tubig na tumutulo sa bahay ko at yung christmas lights na masisira ng ulan. samantalang yung iba e wala na talagang matitirhan.

Minsan ay hindi rin naman natin masisi ang mga illegal loggers na yan. Kung meron bang matinong kabuhayan ang mga mamayan e hindi sila ang gagawa ng mga illegal na bagay na yan. nagiging instrumento lamang sila ng mga taong nasa pulitika at mga taong mayaman na walang ginawa kung ang magpayaman ng magpayaman sa pamamagitan ng mga illegal na gawaing yan.

Nakakainis ang ating gobyerno. wala akong nakikitang hakbang para mahuli at masugpo ang mga bulok na sistema ng mga pulitiko. Mayroon mang mahuling mataas na pulitiko dekada naman ang aabutin ng imbestigasyon at dekada pa rin ang aabutin para maparusahan ang pulitikong ito.

May magagawa ba ako? WALA as in WALA!
Ikaw may magagawa ka ba? Baka meron simulan mo na.

Wednesday, December 01, 2004

Kaluluwa

Miyerkules na ngayon at pilit kong inaalala kung ano ang mensahe ng aming pastor noong nakaraang linggo. Hindi ko na maalala ang kabuuan, ang naalala ko lamang ay ang sinabi niyang...

"Ilang kaluluwa na ba ang nadala mo kay Lord?"
"Ilang kaluluwa na rin ba ang naitaboy mo palayo kay Lord?"

Mas marami yata akong naitaboy palayo kay Lord =)

Tuesday, November 30, 2004

Christmas Decor

"Aba malapit ng mag December dalawang araw na lang. Walang pasok ngayon makapaglagay nga ng dekorasyon dito sa bahay. Teka nga asan ba yung mga christmas decor namin." hanap ako dito hanap ako dun habang tumutugtog ang mga pamaskong awitin na aking inilagay sa bulok naming cd player.

"Aha andito ka lang pala!" habang pinapagpag ang mga alikabok sa tila mahabang kahon kung saan nakalagay ang mga christmas decor.

Pagbukas ko ay nakita ko ang mga dahon ng pine tree na nakaporma ng pahaba 10-15 feet yata ang haba nito. May mangilan ngilang din akong nakitang mga bulaklak at pangsabit sa christmas tree.

"Saan ko kaya ilalagay ang mahabang dahon na ito." kamot ulo kong tanong sa aking sarili.

"AH! Alam ko na! Sa may hagdan ilalagay ko sa may ilalim ng hawakan hanggang sa ibaba." Dali dali kong kinuha ito at inayos ang mga dahon na nakabaluktot dahil sa pagkakaipit sa kahon. Naiporma ko na at ng makakalahati na ako ay tinignan ko sa malayo.

"Hmmm, para yatang hindi maganda. Kasi nakaharang ito... maikli itong ano... hindi rin makita itong ano... hmmm, PANGIT! walang kwenta!" tinanggal ko ulit at naghanap ako ng ibang mapapagkabitan.

"Ayun dito sa may biga ng bahay ko ikakabit tamang tama ang haba niya." Ang problema ay walang pagssabitan kaya't kumuha ako ng pako at martilyo. May kataasan ang biga ng bahay kaya nahirapan akong magpako kasi wala akong makitang matutuntungan kundi ang isang upuang mono block na bilog na walang sandalan.

"Ayan pwede ng tuntungan to abot naman pala e, pero medyo kapos ng konti titingkayad na lang ako."
Tatlong pako ang nailagay ko sa magkabilang dulo at sa gitna.

"Siguro tama na itong pako na ito." palagay ko sa aking sarili. Dali dali kong kinuha ang dahon at isinabit ito.

"Tamang tama parang sinukat ang haba. Hmmm.... parang nakalaylay sa magkabilang bahagi. Kailangan yatang dagdagan ko ang pako." akyat na naman ako at dinagdagan ko ng dalawang pako.

"Yan siguro ok na ito." Isinabit ko na ang nakalaylay na bahagi. Dahil sa hirap na hirap na ako kakatingkayad ay naisipan kong kumuha ng isa pang matutuntungan. Kakahanap ko ay nakita ko ang isang maliit na upuang plastic na ginagamit sa paglalaba.

"Tamang tama pwedeng ipatong ito sa monoblock." nakangiti kong binitbit ito at ipinatong sa monoblock. Naisip kong baka dumulas ito kapag tinuntungan ko na pero namuo pa rin sa aking isip na matapos ang aking ginagawa maski na delikado ang aking tungtungan.

Hala at umakyat na ako sinubukan ko muna kung hindi dudulas hindi nga dumulas. Napangiti ako at nasa isip ko na ok naman pala kaya't itinuloy ko ang pagsabit ng mga nakalaylay na bahagi ng aking ginagawa. Habang ikinakabit ko na ay biglang.....

"Swooshhh... BLAG!!"

"Arrrayyy, araayyy ko!!!" Nakangiwi ako habang hinihimas ang bahagi ng paa ko na napuruhan ng bumagsak ako.

"Aw! aw! aw!" kulang na lang ay tumahol ako ng mga oras na iyon sa sakit. Yan kasi ang napapala ng nagmamagaling alam ng madudulas pinagpilitan pa. Tinignan ko ang paa ko at nagtaka ako kung bakit ang dumi dumi. Tumama pala ang paa ko sa bisikleta na nasa tapat ng inaayos kong dekorasyon. Maya maya ay may nakita akong mapulang tumulo mula sa aking paa.

"Ano yun? Dugo? dugo nga!!" Gulat kong tinignan kung nasaan ang sugat hindi ko makita dahil sa maitim ang bahagi ng aking paa dahilan sa grasa ng bisikletang aking kinabagsakan. Dali dali at nangangatog akong pumunta sa banyo. Habang hinugasan ko ang aking paa ay ninenerbyos ako sa kadahilanang hindi ko alam kung gaano kalaki ang sugat sa aking paa.

Ilang minuto rin akong tumagal sa banyo dahil sa ang hirap tanggalin ng grasa. Nangangatog pa rin ako ng masalat ko ang sugat sa aking paa ito ay nasa ilalim ng aking hinlalaki. Tumama pala ang kaliwang hinlalaki ko sa gear ng bisikleta at ito at natusok at nagkaroon ng maliit na hiwa.

"Hay salamat maliit lang pala ang sugat." Nakahinga ako ng maluwag ng malamang maliit lang pala ang aking sugat. Ngunit dama ko parin ang sakit ng aking mga paa. Sa kanan naman ay may pasa sa aking hinlalaki kaya't hirap na hirap akong lumakad.

Nang mahimasmasan ay pinagisipan ko kung itutuloy ko pa itong paglalagay ng christmas decor na ito. "Kailangang matapos ko ito nahulog na nga ako't nasugatan ihihinto ko pa." Kinuha kong muli ang monoblock at hinayaan ko na lang na magtitingkayad ako. Inayos at isinabit ko ang mga nakalaylay na bahagi ng dekorasyon at nakita kong ok na pala. Ang mga pansabit sa christmas tree ay paisa isa kong isinabit habang nagpupunas ng paunti unting dugo sa aking hinlalaki.

"Wow ok na." nakatitig ako habang tumutulo ang pawis sa aking patilya. Sulit din naman ang sugat kong natamo dahil sa nadama kong kagalakan ng makita ko ang natapos kong trabaho.

"Pero masakit talaga aw aw aw awoooo!!!" =)





Friday, November 26, 2004

Pasko sa Piling Mo (ikalawang bahagi)


"Hindi ako dito nakatira. Wala akong natatandaang ganito." Hinawakan ko ang aking ulo na tila yata hindi ko na maaalala kung saan ako nakatira.

"Susubukan ko naman sa banda roon baka nandun ang bahay ko."

Lumakad ulit ako at nakita ko naman ang isa pa ring bata na kasama ang kanyang nakakatandang kapatid. May mga hawak silang libro, lapis at papel.

"Ah sigruo nag-aaaral sila. Ako din gusto ko ding makapag-aral." nakangiti kong tugon sa aking sarili.

Umupo ako sa kanilang tabi at tinignan ang kanilang ginagawa. Tumagal ako sa lugar na iyon at naalala ko na may hinahanap pala ako. Kaya't dali dali akong tumayo para ipagpatuloy ang aking paghahanap.

"Ano ba ito hindi ko na talaga matandaan kung saan ako nakatira." bulalas ko sa aking sarli habang nagdadabog patungo sa susunod na bahay.

Namalayan ko na lamang na dinala ako ng aking mga paa isang kwarto. Tahimik at malamig sa kwartong iyon. Nakita ko ang isang kama na may mga taong nakahiga. Isang ama at ina ang nakahiga duon at pinapagitnaan nila ang isang limang taong gulang na bata.

"Napakasarap siguro ng pakiramdam ng batang iyon." Naiinggit kong sambit sa aking sarili.
"Gusto kong dito tumira. Dito na lang ako maglalagi."

Inabot na pala ako ng hatinggabi sa paghahanap hindi ko man lang naramdaman ang gutom at pagod. Tumabi ako sa ibaba ng kama at duon humimlay.

itutuloy ...

Thursday, November 25, 2004

Pasko Sa Piling Mo (unang bahagi)

Malapit na naman ang pasko naririto na naman ako sa eskinitang ito na patuloy kong nilalakaran. Hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito. Basta't ang natatandaan ko ay may bahay kami rito at ito ang lagi kong hinahanap.

"Nasaan na nga ba ang bahay namin?" tanong ko sa aking sarili habang nagkakamo't ng ulo.
"Teka baka duon banda."

Lumakad ako at tinahak ang lugar na sa pagkakaalam kong bahay ko. Nakita kong may mga bata duon na naglalaro. Masaya at masisigla ang mga batang naroron nagtatawanan at naghaharutan na karaniwang ginagawa ng mga bata.

"Hindi ito ang bahay ko, wala akong natatandaan ganito sa bahay ko. Titignan ko nga sa mga kapitbahay nila baka isa sa mga iyon ang aking bahay."

Lumakad ako at tinignan ang iba pang bahay na naroroon. Napansin ko ang isang maliit na bintana na nakabukas. Nakita ko ang isang ina na nagpapakain ng isang maliit na bata. Masaya rin sila ng mga oras na iyon bakas na bakas sa mukha ng inang ito ang kaligayahan na kanyang nadarama habang nakikipaglaro sa kumakaing bata.


itutuloy...




Tuesday, November 23, 2004

Makulay

Magpapasko na naman nariyan na naman ang makukulay na mga christmas lights at mga decors. Nitong nakaraang araw ay inilabas na namin ang mga christmas lights na aming itinabi noon pang nakaraang pasko. Exited kami lalo na ang aking anak na makita ang iba't ibang kulay ng christmas lights. Habang itoy aking inaalis sa lalagyan ay pilit niyang pinapapabuksan para makita niya ang iba't ibang kulay na magmumula dito. Maski na hindi gaanong naiaayos sa pagkakaalis sa kinalalagyan ay binuksan ko na ito para lamang makita ng bata. Namangha siya ng makita ito na para bang hindi pa siya nakakakita ng iba't ibang kulay na nagmumula sa christmas lights.

Marahil ay hindi lamang ang mga bata ang namamangha sa iba't ibang kulay maging tayo na rin. Kahit papaano ay nalilibang tayo ng panandalian kapag nakakakita tayo ng mga bagay na may mga iba't ibang kulay hindi lamang sa christmas lights.

Mayroon tayong tinatawag na buhay na makulay. Ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito? Paano nga ba nagiging makulay ang buhay ng isang tao? Sino ang nagbibigay ng kulay? Ikaw, makulay ba ang iyong buhay?





Monday, November 22, 2004

Dedmahan sa Bus

Monday na naman pasok na ulit, as usual sasakay ako sa paborito kong pampublikong sasakyan. Ang walang kamatayang aircon bus. Medyo malapit ng mapuno yung aircon bus na nasakyan ko kanina maluwang pa naman kaso mas gusto ko nasa tabi ng bintana.

"Ayun! Meron pang upuan sa hulihan sa animan tamang tama katabi ng bintana." Habang papalapit sa hulihan ay may na amoy akong kakaiba. Hindi ko inintindi kasi normal sa aircon bus ang mabantot.

"Malakas yata ang amoy dito sa hulihan." Sambit ko sa aking sarili habang papaupo na sa may tabi ng bintana.

"Hmmm (singhot! singhot!) Ano bato parang amoy takla na naman!" Luminga linga ako baka mayroon na namang mama na naka jacket ng maantot. Wala naman dalawa lang kami sa hulihan babae pa.

Dedma na lang kung ano yung amoy na yun.

Maya maya ay napuno na ang bus tayuan na. "Aba! parang ako lang ulit ang nakakaamoy ng amoy taklang yun a!" bulong ko habang tinitignan ko ang mga nakasakay kung anong reaksyon nila.

Dedma na lang kung ano yung amoy na yun.

Teka baka naman may nakadikit sa ilong ko. Hinawakan ko ang ilong ko. Wala naman.
"E, ano ba yung naamoy kong yun? PWE!"

Dedma na lang kung ano yung amoy na yun.

"SA WAKAS!! hehehe may naka amoy din." May isang nag tatakip ng panyo sa ilong niya. Malamang may nakaapak ng takla.
"Baka ako yung nakaapak ng takla?!" Hindi ko masilip ang sapatos ko kasi baka nga ako ang nakaapak ng takla, dyahi!

Habang papalapit na ako sa aking bababaan e unti unti akong lumipat ng upuan papalapit sa harapan.
"Parang lumalakas ang amoy, parang ako yata ang nakaapak, ako yata ang nagkakalat ng takla sa bus.tsk tsk!" syempre hindi ko pa din tinitignan ang sapatos ko baka nga may takla, dyahi!

Lumipat ako ng isa pang upuan malapit na sa likod ng driver aba ang tindi na ng amoy! Pero walang reaksyon ang mga nakasakay.

Dedma na lang kung ano yung amoy na yun.

Nakababa na din ng bus sinilip ko ang sapatos ko buti na lang at walang takla.

"Pambihira kang bus ka ang bantot mo PWE!!"

Thursday, November 18, 2004

Get to know me

How much do we actually know about our friends?
This is a questionnaire to get to know them better. Read through the
comments below about your friend and then make sure you read the
instructions at the bottom.
Have fun!

1. What time is it: 10.33
2. Name as it appears on birth certificate: ALVARO DEL MUNDO
3. Piercing(s): 1 NASA ANO... SA... SIKWET... HEHEHE GUSTO MONG MAKITA? PAPAKITA KO SAYO :D
4. Eye color: DARK BROWN NA PARANG BLACK HINDI MO MAPAPAGKAMALANG DARK BROWN KASI NGA PARANG BLACK =D
5. Place of birth: MAKATI
6. Favorite food: PIZZA
7. Ever been to Africa: ALA AKONG BALAK BAKA IKAW MERON
8. Ever been toilet papering: NO
9. Love someone so much it made you cry? YES
10. Been in a car accident: NO
11. Croutons or bacon bits: BACON BITS
12. Favorite day of the week: FRIDAY
13. Favorite restaurant: MAX'S
14. Favorite Flower: KANTUTAY(OK NA OK PANGALAN PA LANG HEHEHE)
15. Favorite sport to watch: BOXING & BILLIARDS
16. Favorite drink: MINERAL WATER :D
17. Favorite ice cream: UBE
18. Disney or Warner Bros: DISNEY
19. Favorite fast food restaurant:TURO TURO DYAN SA KANTO
20. What color is your bedroom carpet? KUNG MERON MAN BAKA NEON ORANGE :D
21. How many times did you fail your driver's test: NA
22. Before this one, from whom did you get your last e-mail: SPAMS FROM VIAGRA SELLER :D
23. Which store would you choose to max out your credit card: ANY COMPUTER STORES
24. What you do most often when you are bored: SIKWET HEHEHE
25. Bedtime: 10:30 pm
26. Who will respond to this e-mail the quickest: MALAY KO SA KANILA KARAMIHAN SA KANILA TAMAD MAG-EMAIL
27. Who is the person you sent this to that is least likely to respond: MALAY KO DIN
28. Favorite TV shows: NGINIGG: THE HIDDEN FILES
29. Last person you went out to dinner with: HMMM...
30. Ford or Chevy: FORD (FIERRA?) :D
31. What are you listening to right now? ATRAS ABANTE
32. What is your favorite color: WATERCOLOR ;D
33. Lake, ocean or river: RIVER
34. Time you finished this e-mail: 10:50
35. Have you ever run out of gas? OO NAMAN. LPG?

Here's what you're supposed to do...and please do not spoil the fun. Copy (NOT forward) this entire e-mail and paste it onto a new e-mail that you will send. Change all of the answers so that they apply to you.

Then send this to a whole bunch of people you know INCLUDING the person
who sent it to you, the theory is that you will learn a lot of little-known facts about those who know you. Remember to send it back to the person who sent it to you.

Tuesday, November 16, 2004

Turta Virus

Nakakaturta naman ng utak tong virus nato hindi maalis-alis.

San nga kaya nagmumula itong mga computer virus na katulad nito? Bakit ba may gumagawa ng computer virus? Anong purpose nila? Napagkakatuwaan nga lang ba ang paggawa nito? Hindi ba nila na marami ang napeperwisyo nila kapag kumalat ang ginawa nilang virus?

Hindi kaya ang mga anti-virus maker din ang gumagawa ng computer virus para mabenta nila ang anti-virus program nila? O baka naman nagpapaligsahan sila kung gaano katibay ang virus at kung gaano kagaling ang anti-virus.

Ang sakit kaya ng tao saan nagmula? Sino ang gumawa? Galing kaya ito sa Dios o kay Satanas? Kung sino man ang gumawa e anong purpose niya? Napagkatuwaan lang ba ang paggawa nito? Hindi ba alam ng gumawa na marami ang napeperwisyo kapag kumalat ang ginawa niyang sakit? Parang inulit ko lang yung tanong.

Friday, November 12, 2004

Mahirap

Darating ang panahon na mawawalan tayo ng kababayang mahirap sa Pilipinas. Lalo na ngayong hindi mapigilan ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Kasi hindi na nila kayang bumili ng pagkain sa araw araw. Unti unti silang mauubos at mamamatay ng dilat sa gutom. Ang matitira ay ang mga may kaya sa buhay at mga mayayamang pulitiko na lalong yumayaman kakakurakot sa kaban ng bayan.

Kawawang Juan dela Cruz hanggang DREAM na lang hindi na BELIEVE sa gobyerno kaya ayun sila sila na lang ang makaka SURVIVE.

STARTRUCK?

Caltex?

Thursday, November 11, 2004

Itlog

Napanood ko kanina na tinatalakay ng host ng unag hirit ang pagkain ng itlog. Ito raw ay mayaman sa protina at cholesterol. Ang sobrang cholesterol daw sa katawan ay nakapagbibigay ng sakit sa puso. Kung kaya't kapag kumain ka ng maraming itlog ay tataas ang cholesterol mo. Ngunit gaano ba katotoo ito? May mga nagsasabing ang lecithin content ng itlog ay ang siya namang nagpapababa ng cholesterol sa ating katawan. Kaya safe daw kahit na kumain ka ng maraming itog sa isang araw.

Pero ang pinagtataka ko bakit kaya tinawag ng pula ang gitna ng itlog? Hilaw man o luto dilaw pa rin ang kulay nito. Siguro noong unang panahon e hinahain ito ng may ketsup tapos yung ketsup e nilalagay sa pinakagitna ng itlog tapos natatabunan yung dilaw kaya naging pula. hehehe ang korni. Maski naman yung itlog na pula kapag biniyak mo e dilaw din yung nasa gitna. Sino kaya ang ungas na nagtawag na pula yung gitna ng itlog.

Bakit nga kaya pula ang tawag sa pula ng itlog? saka bakit egg yolk ito sa ingles?

Wednesday, November 10, 2004

Playtime

Habang nasa bus ako kahapon ay may pinanapanood akong isang pelikula. Napansin ko sa ibaba ng screen ng tv ang oras na tumatakbo habang pinapanood namin ang pelikula. Ito ay ang oras kung gaano kahaba ang itinatakbo ng pelikula. Karaniwan na itong nakikita sa mga vhs or vcd players.

Ang playtime ng isang pelikula ay tumatakbo ng mahigit kumulang sa isa't kalahating oras. Medyo nag isip ako kung bakit nga ba ang isang pelikula ay tumatakbo ng mahigit kumulang na isa't kalahating oras lamang.

Masasabi nating mahaba ang isang pelikula kapag ito'y lumampas na ng 2 hours at masyado namang maikli kapag ito'y 1 hour lamang. Naisip ko din na ang isang album ng awitin ay may ganito ring sistema. Ang isang album ay may playtime na 45 hanggang 60 minutes. Masyadong maikli ito kapag 30 minutes lamang at mahaba naman kapag lumampas na ng 60 minutes.

E ano nga ba? Bakit nga ba? Saan nga ba nagmula ang ganitong sistema? Ha! saan? saan? Sinong may pasimuno nito?

Wala lang baka ikaw =D



Monday, November 08, 2004

Fear or Phobia

Ang sermon ng pastor noong nakaraang linggo ay ang patungkol sa takot. 2 Tim 1:7 For God hath not given us the spirit of fear; but of power, and of love, and of a sound mind.

Ang takot ay natural sa isang tao. Lahat ng tao o hindi lamang tao kundi lahat ng nilalang ay may kinatatakutan. Ngunit kung ang takot mo ay nakakaapekto sa normal mong pamumuhay at ang takot mong ito ay alam mo na hindi mapanganib ang tawag dito ay phobia.

Ayon sa napanood ko ang isang paraan daw para maalis ang phobia ay ang pagharap mismo sa bagay o sitwasyon na ating kinatatakutan.

Isa sa mga natandaan ko sa sinabi ng pastor ay ang paglagay ng guhit ni satanas sa ating buhay. Sinasabi ni satanas na hanggang dito ka na lang hindi ka na pwedeng lumago sa spiritual mong buhay dahil sa oras na lumampas ka sa iginuhit ni satanas ay lagot ka sa kanya. Ang solusyon ay kailangang hakbangan natin ang guhit na ito na inilagay ni satanas at harapin ang mga takot na kakaharapin natin upang tayo'y lumago sa ating spiritual na buhay.

Nahakbangan mo na ba ang iginuhit ni satanas?

Sanggol

Hindi lingid sa atin na nitong nakaraang mga buwan ay nakakabalita tayo ng mga fetus na iniiwan na lamang sa isang lugar katulad ng simbahan, dumpsite at kung saan saan.

Kaninang umaga ay may ibinalita na namang isang sanggol ang iniwan ng kaniyang magulang sa basurahan ng isang fastfood at mabuti na lamang at buhay pa. Karaniwang ang dahilan ng ganitong pangyayari ay ang hindi inaasahang pagbubuntis o pagdadalang tao.

Ang bawat sanggol ay regalo sa atin ng Dios. Ngunit may mga taong pinagkaitang mabiyayaan ng anak. Halos ibuhos ng mag-asawa ang buong buhay nila sa kakapanalangin ngunit hindi pa rin sila magkaanak.

Ano nga ba ang dahilan ng Dios bakit hindi Niya binibigyan ng anak ang mag-asawang humihingi nito? At ano rin nga ba ang dahilan ng Dios at binibigyan Niya ng anak ang mga hindi nararapat bigyan nito? Totoo nga bang ang bawat sanggol ay regalo sa atin ng Dios?

Friday, November 05, 2004

Hell

Pareho daw ang Christian and Muslim hell. Sa paniniwala ng kristiyano mapupunta sa impyerno ang mga hindi naniniwala sa kanilang katuruan. Sa paniniwala naman ng muslim mapupunta din sa impyerno ang hindi naniniwala sa kanilang katuruan. Hmmm... magkita kita nalang tayo dun =)


Thursday, November 04, 2004

Wednesday, November 03, 2004

Laro

LARO

Habang nanonood ng TV ay napanood ko ang commercial ng Milo. Nakakatuwa ito ng aking mapanood. Ang commercial na ito ay binubuo ng apat na kabataan na naglalaro ng baril barilan sa loob ng bahay. Gamit nila ang mga baril barilang yari sa mga materyales na makikita sa loob ng ating mga bahay katulad ng hanger, sipit, unan at iba pa. Gamit din nila ang kanilang mga tinig upang makalikha ng ingay na kunwari'y nagmumula sa gawa nilang baril barilan. Ang matamaan ng kanilang baril barilan ay patay. Ang akala ko noon ay wala na ang ganitong klaseng laro ng mga kabataan pero meron pa pala. Hightech na kasi ngayon nariyan ang mga video at computer games kung kaya't inakala kong hindi na ito nilalaro.


Ito marahil ang bunga ng mga nakaraang pandaigdigang digmaan at ang larong ito ay napamana na ng ating mga magulang. Naranasan ko din ang ganitong laro nung ako'y bata pa. Masaya, nakakapagod, may kampi-kampi, may panalo, may talo, may nasasaktan o nasusugatan, may nang-aasar at may napipikon.

Baril-barilan ang hawak ko nung ako'y bata pa. Isang laruan na alam kong hindi makapananakit ng aking kapuwa. Isang laruan na nakapagbibigay kasiyahan kapag ako'y naglaro na. Ngunit may epekto nga ba ngayong ako'y malaki na? Wala bang larong simba-simbahan?

Sunday, October 31, 2004

SWELDO

Dumaan muna ako sa malapit na atm machine upang magwithdraw, hindi naman karamihan ang taong nakapila ng mga oras na yun. "Aba himala ngayon ko lang nakitang konti ang pila dito kapag araw ng sweldo." Kinuha ko ang lahat ng sweldo ko sa kadahilanang mag-aaraw ng patay baka mag-offline ang mga atm machine. Nang maka withdraw na ako ay itinabi ko iyon sa maliit na lalagyan at inilagay ko sa aking bag. Bihira akong maglagay ng pera sa aking wallet sa tuwing sweldo sa kadahilanang baka ako madukutan uso pa naman ang mandurukot sa bus.

May katagalan din ng ako'y nakasakay mula sa lugar na aking pinanggalingan. Hindi naman gaanong puno ang nasakyan ko "Bakit kaya ganoon? kakaiba ang araw na ito sweldo ngayon konti ang nakapila sa atm machine at hindi punuan ang bus, hindi rin ma traffic ano nga bang araw ngayon?" tanong ko sa sarili ko.

Habang kami'y naglalakbay ay napansin ko ang mangilan-ngilang kalalakihan na nakaupo sa aking unahan na nagsesenyasan sa pamamagitan ng pagtango. Maya maya ay tumayo ang isa sa kanila hindi ko alam kung saang luigar kami ng mga oras na iyon wala akong makita sa labas ng bintana napakadilim. "Nasaan na nga ba kami?" pagtataka kong tanong.

"Hold-up to!!" sabay labas ng isang baril na dinukot niya sa kaniyang tagiliran. Kulot at buhaghag ang kanyang buhok may kaliitan may bigote at naka asul na t-shirt. Bigla namang nagtayuan ang kanyang mga kasamahan na nakaupo sa iba't ibang lugar ng bus. Nasa lima hanggang pitong katao. Tuliro na ako hindi ko malaman ang gagawin. Hindi ko rin maaninag kung nasaan kami para akong nabulag ng mga oras na iyon.

"Walang maingay, walang tatayo. Hihingin lang namin ang mahahalagang bagay na nasa inyo at ibabalik ang hindi namin kailangan" pasigaw na salita ng holdaper.

"Ano ba to? kakawithdraw ko lang ng buong sweldo ko!!" laking panghihinayang ko kung bakit ko winidraw ang buong sweldo ko.

Habang iniisa isa ng mga holdaper ang mga tao ay kinakapkpan pa ito para siguradong walang maitatagong alahas o mahalagang bagay.

Heto na sila sa tapat ko, ako na ang isusunod. Pinatayo ako at kinapkapan at nasalat ang wallet ko kinuha nila ang perang naroroon. Iniabot ko na ang bag ko at hindi ko na nakita kung paano nila binulatlat iyon.
"Wala bang tao na nakakakita sa labas?" tanong ko sa aking sarili. Umaasa pa rin ako ng mga oras na iyon na may makakita sa amin mula sa labas. Ngunit wala. Hindi ko din alam kung tumatakbo ang bus o hindi. Wala akong nasaisip kundi ang sweldo ko na nasa maliit na lalagyan na nakatago sa bag ko.

Naibalik na sa akin ang aking bag. Nakita ko ang aking cellphone na hawak ng isang holdaper. Alam kong akin yun dahil siya din ang nagbulatlat ng aking bag.

"Boss" malakas kong tawag sa kanya.
"Ano yon?" pagalit niyang tugon sa akin.
"Pwede po bang kuhain ko ang sim card ng cellphone ko?" marahan kong pakiusap sa kanya.
"Eto bilisan mo." sabay abot niya sa aking cellphone.

Nagtataka ako kung bakit tila yata hindi nagsasalita ang ibang pasahero ng mga oras na iyon para silang pipi mga walang reaksyon walang humingi ng sim card ng kanilang mga cellphone ako lang yata ang tanging nagsasalita. Marahil ay nabigla din sila sa mga pangyayari pero kakaiba parang robot sila lahat.

Tinignan ko ang bag ko. Nagulo ang mga gamit ko sa loob hinanap ko ang maliit na lalagyan ko pinagtaguan ko ng aking sweldo. "Aba! andito pa!" laking tuwa ko ng makita ko iyon. Hindi ata nakita ng holdaper, cellphone lang yata ang kanilang nakita sa aking bag. Hindi ko na muna ito binuksan sa kadahilanang baka makita ito ng holdaper at kuhain pa.

Mabilis ang mga pangyayari hindi ko na alam kung paano sila umalis ng bus at sa mga oras na iyon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan kami madilim pa din sa labas wala akong makitang liwanag. Wala pa ring reaksyon ang mga tao ng mga oras na iyon, parang walang nangyari. Ngayon ma checheck ko na ang aking sweldo. Binuksan ko na ang aking bag, kinuha ko ang lalagyan ko ng aking sweldo at unti unti ko itong binuksan...

"WAHHHHHHHHH!!! WALA NG LAMAN!!"

Nakuha rin pala nila ang sweldo ko. "Mga hinayupak na yun sinoli pa ang lalagyan."

"Ngoorrkkkk!!" hindi ko maunawaan parang ang sarap humagok...
"Ngoorrkkkk!! Umaga na pala?!!" =)


Friday, October 29, 2004

Lilo and Stitch

Lilo and Stitch, HEHEHE Ang galing ng expression ni GMA hawig na hawig ni stitch.


Thursday, October 28, 2004

Rise and Shine Mother!

Napanood ko sa isang palabas sa tv ang grupong bamboo. Ang pangalang bamboo pala ay kinuha sa pangalan ng vocalist nila na si Bamboo Mañalac siya din ang dating lead singer ng Rivermaya.

Maganda ang kanta nilang "Noypi" ang ganda ng pagkakanta napaka powerful ng boses ng lead singer. Unang dinig mo pa lamang ay magugustuhan mo na ang tono nito. Maganda din ang lyrics lalo na yung linyang... "sabi nila may anting-anting ako pero di nila alam na Diyos ang dahilan ko!" pinoy na pinoy ang dating. Pero nung napanood ko sila sa tv ay hindi ko maintindihan kung bakit palaging sinisingit ng lead singer ang salitang "Rise and Shine Mother!" ??? ano nga ba ang koneksyon nun sa kanta? nasira tuloy pinoy na pinoy yung kanta tapos sasalihan ng ingles na pananalita. Ano ba yun? sino ba yun? o mali ako ng dinig "rise and shine mother" nga ba yun?

"RISE AND SHINE MOTHER!!"

ANU DAW??




Wednesday, October 27, 2004

Pamasahe

Ang taas na ng pamasahe sa aircon bus. Yung dating P23 ngayon e P27 na tsk. Bale P54 ang balikan. SA LIMANG ARAW P270?!!! hmmm... mag jeep na lang kaya ako.

Monday, October 25, 2004

Check up

Morning nag b bleeding na naman siya then she txted her doctor may appointment na sya ng afternoon pero sabi ng doc 9 am na lang kasi nga baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Then punta na kami ng hospital then check up na, ininterview sya kailangan daw ma ultrasound and ma urinalysis siya para malaman kung bakit siya nag b bleeding. Suggest ng doc na iadmit na lang daw sya para maka mura kami kasi i chacharge sa philhealth or kung gusto naman namin mag pa ultrasound na lang kami at urinalysis then itawag sa kanya ang result. Pero sa isip ko mas maganda na yung suggestion ng doc kasi safe siya sa hospital kesa magpalakad lakad pa para mag pa ultrasound at mag pa urinalysis. So nag pa admit na siya. Worried na rin ako nung mga oras na yun kasi nga hindi ko alam kung ano ang status ng baby nakaka panghinayang yung buhay na nasa tiyan niya. Naisip ko tuloy kung bakit may mga taong nag papaabort hindi ba nila iniisip yung buhay na masasayang. Marahil ay kanya kanyang dahilan yan.

10am naka higa na siya sa emergency room. Fill up ako ng kung ano anong form hindi ko na binasa basta pirma dito pirma doon siguro ganun talaga kapag nag-aalala ka wala kang ibang iniisip kung hindi ang kalagayan ng iyong mahal sa buhay. Inalis muna siya sa emergency room iuultra sound na raw siya. Habang nag hihintay ay naupo muna ako sa bakanteng upuan na naroroon sa ER bihira pa ang tao ngunit maya maya ay may mga dumating na isang magulang dala ang batang 6 hanggang 9 na taong gulang. May pasa at may sugat sa kanyang ulo pagkatapos noon ay dumating naman ang isang ale na napilipit naman ang binti at maya maya ay isang matanda naman na may sugat sa ulo. Medyo nalibang ako nang mga oras na iyon at hindi napansin na mahigit isang oras na pala akong naghihintay. A, eto na siya at ibinalik na ng nurse sa higaan sa ER na dati niyang kinalalagyan. Maya maya ay may dumating na naman isang nurse na niyaya kami sa kwartong aming tutuluyan. Ako ang pumili ng kwartong ito ikalawa sa pinakamurang kwartong pwede naming tuluyan. Kasama namin sa kwartong ito ang mga babeng kapapanganak pa lamang.

Gabi na nang dumating ang mga kaibigan namin at kamag anak na nakabalita sa nangyari. Kwento dito kwento doon hindi na naman dapat silang mag alala dahil nasa maganda na siyang kalagayan. Maya maya ay bumisita na ang doctor sinabi sa amin na maari na siyang makauwi kinabukasan ok na naman daw ang kaniyang kalagayan. Urinalisys na lamang ang hinihintay para makita kung ano talaga ang dahilan ng kanyang pag b bleed. Threatend abortion yun ang tawag ng doctor sa nangyari sa kanya.

Malalim na ang gabi naka uwi na ako at nakakuha na ng mga gamit. May mga sandali rin na makakaamoy ka ng malansa sa loob ng kwarto na hindi mo malaman kung saan nanggagaling. Hirap akong makatulog sa kadahilanang malamig ang kwarto at wala akong kumot na nadala. Ang iyak ng mga bagong silang na sanggol ang isa pa ring dahilan kung bakit maya't maya at namumulat ako sa aking pagkakatulog. Bagama't hirap sa pagtulog ay may kasiyahan din naman akong nadarama dahil sa nadirinig ko ang mga bagong silang na mga sanggol.

Umaga na bumili na ako ng almusal para sa kanya at sa akin naman ang rasyon ng pagkain sa ospital. Nakakapanglambot at nakakapanghina ang umagang iyon wala ding magawa. Ano pa nga ba ang gagawin mo sa mga oras na ganun kundi ang matulog ulit =) . Habang masarap ang aking tulog ay naramdaman kong may pumasok sa kwarto, aha eto na ang doctor at eto na rin ang results ng ultrasound at urinalysis. Ok naman daw ang bata expected ng doctor na wala na itong heartbeat yun din pala ang isang dahilan kung bakit niya pinaadmit ang aking asawa 3 days na kasi siyang nag bbleed. Swerte daw kami dahil ok pa ang baby. Ang urinalysis ay normal naman maari ang pagod sa trabaho ang naging dahilan ng kanyang pag bleed. Nagreseta na ang doctor at nag paalala na mag ingat. Pwede na kaming umuwi. Nagbayad na ako at kami'y umuwi na.

Ewan ko pero hindi pa rin maalis sa akin ang pangamba at pagaalala. Maaring magalala ako hanggat hindi naisisilang ang batang nasa kanyang sinapupunan. Muli ay naranasan ko na naman ang kakaibang damdamin ng isang ama.

Friday, October 22, 2004

Bleeding

I'm worried right now kasi nag b bleed ang misis ko, she's 2 months pregnant i hope alang masamang mangyari sa kanya at sa baby.


Thursday, October 21, 2004

Isang Umaga

Ala sais medya ay umaalis na ako ng bahay upang pumasok sa opisina. Maambon nang araw na iyon, maraming tao sa labas maraming nakapayong at jacket bagamat hindi naman masyadong malakas ang ambon. Maraming nag-aabang ng masasakyan hindi ko nga malaman kung bakit sa tuwing umuulan o umaambon ay mahirap sumakay. Tumagal ng mahigit sa sampung minuto ang aking pag aabang at sa wakas...

"Eto na ang bus na inaantay ko medyo maluwang pa." sabi ko sa sarili ko habang nakikipag unahan sa mangilan ngilan na pasaherong papunta sa bus.

"Hay salamat nakaupo pa ako." medyo sa may bandang hulihan nga lang ako nakaupo pero ok lang at least nakaupo kesa naman nakatayo. Karaniwan ay animan ang upuan sa hulihan apat pa lamang kaming nakaupo at may bakante pang dalawa. Habang tumatakbo ang bus ay napansin ko na medyo malakas ang blower na naka tutok sa akin hindi ko naman ito magalaw na naka fixed na ito. Malamig pa naman ng umagang iyon.

"Hindi bale mamaya naman kapag may sumakay ay mahaharangan ang blower ng uupo sa tabi ko" pabulong ko sa aking sarili habang hinihintay ang susunod na sasakay.

Tumakbo ng bahagya ang bus at maya maya ay huminto may sasakay na paniguradong dito yan tatabi sa akin kasi wala ng ibang mauupuan kundi sa bandang huluhan sa tabi ko. Isang lalaki ang sumakay naka jacket naka salamin. Umurong na ako at umupo na siya sa tabi ko.

"Yan ok na natakpan na ang blower na kanina pa umiihip sa aking mukha." napangiti kong sabi sa aking sarili.

"Bakit parang bumaho?" tanong ko sa sarili ko. Singhot ako ng singhot sige singhot pa.
"Ang baho talaga! ano ba yung nangangamoy?"

Tinignan ko ang mga nakaupo sa unahan sa tabi sa gilid sa likuran. Wala naman silang reaksyon. Para bang ako lang ang nakaka amoy ng mabahong amoy na iyon.

"Ay alam ko na kung ano yung nangangamoy." sabi ko sa sarili ko habang nakatakip ako ng aking ilong. Itong katabi ko ang mabaho. Nakatapat pala siya sa blower at ang hangin na napupunta sa akin ay nanggagaling sa kanya.

"Bwiset naman to!" inis kong bulong sa sarili. Marahil ang jacket niyang suot ang mabaho amoy pawis na amoy takla na hindi ko maintindihan. Talaga namang nakakainis. Narinig ko ng nagbayad siya Vito Cruz daw siya bababa.

"ANOO!!! Hanggang Vito Cruz pa ako mag titiis sa amoy nito grrr... ano ba namang klaseng tao to hindi ba niya naaamoy ang sarili niya ang baho baho talaga."

Habang kami'y naglalakbay ay maya't maya kong tinatakpan ang aking ilong dahil sa hindi ko talaga matiis ang baho. Malapit na ang Vito Cruz tumayo siya... suminghot ako... mabaho pa din... papalayo na siya...suminghot ako...medyo nawala ang amoy... nakababa na siya... wala na ang amoy! Tama ang hinala ko siya ang mabaho! Gusto ko siyang sigawan ng...

"PWE!! ANG BAHO MO!!! SINIRA MO ANG UMAGA KO!!!"

Mangga

Habang papauwi na ay naisipan kong bumili ng mangga. Habang naglalakad sa taft ay naghahanap ako ng nagtitinda ng mangga ngunit wala akong makita kung kaya't naisipan kong pumunta sa pedro gil. Medyo malayo layo na din ang narating at ayun may nakita akong isang mama na nagtitinda ng mangga. Madilim na ng mga oras na iyon marahil ay pauwi na rin yung mama sa kanyang pagtitinda. May mangilan ngilan na lamang na mangga ang nasa kanyang lalagyan tinanong ko siya...
"mama magkano ang isa?" ngunit hindi niya ako sinagot siguro ay hindi niya ako narinig. Hindi ko alam kung anong pipiliin ko...
"ano nga ba ang tinitignan kapag bumibili ng mangga" tanong ko sa sarili.
"eto malutong ito" sabi ng mama sa akin.
"paano kaya niya na nalaman na malutong iyon?" habang inaabot ang pinili niya.
Hindi ko din makita masyado ang mga napili niya dahil sa madilim na ng mga oras na iyon kayat hindi ko rin alam kung may sira o wala, naaaninag ko lang ang maiitim at maliliit na pekas sa balat ng mangilan ngilan sa pinili niya. Apat na ang ang naisilid ko sa plastic. Hawak ko ang buong isang daang piso.
"Eto po ang bayad, magkano po ba?."
"Otsenta, dagdagan na natin ng isa."
Sa aking pag-aakala ay libre na yung isa na idinagdag niya kung kaya't naghihintay pa ako ng sukli sa isang daan.
"Beinte po ang isa" sagot ng mamang nagtitinda.
"A ganun ba?" pabigla kong sagot.
gusto ko mang tumawad ay hindi ko magawa dahil wala akong idea kung magkano talaga ang mangga.
"Ang mahal naman ng mangga, beinte pesos ang isa" sabi ko habang nililisan ko ang mamang nagtitinda. Ganun ba talaga ka mahal ang mangga, malaki lang ng konti sa aking kamao, payat at may maliliit na pekas pa sa balat. May kasama ng malansa at mabahong bagoong.

Naloko ba ako?

Wednesday, October 20, 2004

espiritu

Ayon sa dictionary:

espiritu n.


1 a supernatural being: espiritu
2 the soul: kaluluwa
3 a mans moral, religious, or emotional nature: diwa
4 courage: tapang, katapangan
5 vigor: lakas
6 liveliness: sigla, kasiglahan
7 state of mind, disposition: damdamin, loob, kalooban, kalooban, disposisyon
8 person, personality: tao, personalidad
9 influence that stirs up and rouses: sigla, kasiglahan
10 what is really meant as opposed to what is said or written: diwa, layon, layunin



Tuesday, October 19, 2004

UsapDiwa

Espiritu

Nitong nakaraang araw ay napakinggan ko ang isang debate ng isang kristiyano at ng isang atheist. Isa sa mga natalakay nila ay ang patungkol sa espiritu. Sa kanilang pag-uusap ay naitanong ng atheist kung ano ba ang espiritu. Halatang halata na naghahagilap ng isasagot ang kristiyano at hindi niya maipaliwanag mabuti kung ano nga ba ang espiritu. Nagbigay lamang siya ng mga example ngunit hindi niya naibigay kung ano ang ibig sabihin ng espiritu.
Ngayong nalalapit na naman ang araw ng mga patay ay makakarinig o makakapanood na naman tayo ng mga taong nakaranas ng mga nakakatakot na bagay sa kanilang buhay. Malaking bahagi sa mga nakakatakot na kwento ang espiritu. Ngunit katulad din ng tanong ng atheist ano nga ba ang espiritu? Ano ang itsura? Paano ba sila nabubuhay? Ang espiritu ba at kaluluwa ay iisa? Saan sila nananahan? Mararamdaman mo ba sila? Ito ba ay persona, bagay, kapangyarihan o kalakasan? Mapapatunayan ba ng siyensya na ang isang tao ay may espiritu o ito'y isang bahagi lang ng ating isipan? May espiritu ka ba?