Pagkatapos ng bagyo winnie e, si yoyong naman. Nagiiba na nga ba talaga ang panahon at ang panahon ng kapaskuhan e nagiging panahon ng bagyo? Noong bagyong winnie e umulan ng pagkalakas lakas.
Ano ba naman to kung kelan nakapaglagay na ako ng mga kristmas lights e saka uulan ng malakas hindi kaya masira ito kapag nabasa ng ulan? Inaalala ko din yung bahay namin na hindi pa tapos, paniguradong tutulo na naman. Hindi nga ako nagkamali naiipon na naman ang tubig sa itaas at ang nagyari ay naglimas ako ng naglimas ang resulta sinipon ako at sumakit ang lalamunan ko. Tapos eto na naman may darating na isa pang bagyo at hindi lang bagyo super typhoon pa tsk.
Nakita ko ang mga nasalanta ng mga dumaang bagyo at ito ay nakapagdulot ng napakalaking pinsala sa mga kababayan nating nasa probinsya. Kaya't ang gobyerno ay naghahanap ng maituturo kung sinong dapat sisihin sa mga flash floods na nangyayari. Pero pasalamat pa rin tayo at may mga kababayan pa rin tayong may pakialam sa ating mga kababayan nating nasalanta. Naisip ko paano kaya ang magiging pasko ng mga taong nawalan ng tahanan, kabuhayan, at mga mahal sa buhay hindi ba't parang napaka mesirableng isipin. Samantalang ikaw e hindi mo maisip kung ano ang iyong mga bibilhin na pangregalo sa mga kaibigan mo.
Hay... ganun talaga ang buhay minsan nasa itaas at minsan ay nasa ibaba at mananatiling nasa ibaba. buti nga ako ang iniisip ko lang e yung tubig na tumutulo sa bahay ko at yung christmas lights na masisira ng ulan. samantalang yung iba e wala na talagang matitirhan.
Minsan ay hindi rin naman natin masisi ang mga illegal loggers na yan. Kung meron bang matinong kabuhayan ang mga mamayan e hindi sila ang gagawa ng mga illegal na bagay na yan. nagiging instrumento lamang sila ng mga taong nasa pulitika at mga taong mayaman na walang ginawa kung ang magpayaman ng magpayaman sa pamamagitan ng mga illegal na gawaing yan.
Nakakainis ang ating gobyerno. wala akong nakikitang hakbang para mahuli at masugpo ang mga bulok na sistema ng mga pulitiko. Mayroon mang mahuling mataas na pulitiko dekada naman ang aabutin ng imbestigasyon at dekada pa rin ang aabutin para maparusahan ang pulitikong ito.
May magagawa ba ako? WALA as in WALA!
Ikaw may magagawa ka ba? Baka meron simulan mo na.
No comments:
Post a Comment