Monday, November 22, 2004

Dedmahan sa Bus

Monday na naman pasok na ulit, as usual sasakay ako sa paborito kong pampublikong sasakyan. Ang walang kamatayang aircon bus. Medyo malapit ng mapuno yung aircon bus na nasakyan ko kanina maluwang pa naman kaso mas gusto ko nasa tabi ng bintana.

"Ayun! Meron pang upuan sa hulihan sa animan tamang tama katabi ng bintana." Habang papalapit sa hulihan ay may na amoy akong kakaiba. Hindi ko inintindi kasi normal sa aircon bus ang mabantot.

"Malakas yata ang amoy dito sa hulihan." Sambit ko sa aking sarili habang papaupo na sa may tabi ng bintana.

"Hmmm (singhot! singhot!) Ano bato parang amoy takla na naman!" Luminga linga ako baka mayroon na namang mama na naka jacket ng maantot. Wala naman dalawa lang kami sa hulihan babae pa.

Dedma na lang kung ano yung amoy na yun.

Maya maya ay napuno na ang bus tayuan na. "Aba! parang ako lang ulit ang nakakaamoy ng amoy taklang yun a!" bulong ko habang tinitignan ko ang mga nakasakay kung anong reaksyon nila.

Dedma na lang kung ano yung amoy na yun.

Teka baka naman may nakadikit sa ilong ko. Hinawakan ko ang ilong ko. Wala naman.
"E, ano ba yung naamoy kong yun? PWE!"

Dedma na lang kung ano yung amoy na yun.

"SA WAKAS!! hehehe may naka amoy din." May isang nag tatakip ng panyo sa ilong niya. Malamang may nakaapak ng takla.
"Baka ako yung nakaapak ng takla?!" Hindi ko masilip ang sapatos ko kasi baka nga ako ang nakaapak ng takla, dyahi!

Habang papalapit na ako sa aking bababaan e unti unti akong lumipat ng upuan papalapit sa harapan.
"Parang lumalakas ang amoy, parang ako yata ang nakaapak, ako yata ang nagkakalat ng takla sa bus.tsk tsk!" syempre hindi ko pa din tinitignan ang sapatos ko baka nga may takla, dyahi!

Lumipat ako ng isa pang upuan malapit na sa likod ng driver aba ang tindi na ng amoy! Pero walang reaksyon ang mga nakasakay.

Dedma na lang kung ano yung amoy na yun.

Nakababa na din ng bus sinilip ko ang sapatos ko buti na lang at walang takla.

"Pambihira kang bus ka ang bantot mo PWE!!"

No comments: