Ala sais medya ay umaalis na ako ng bahay upang pumasok sa opisina. Maambon nang araw na iyon, maraming tao sa labas maraming nakapayong at jacket bagamat hindi naman masyadong malakas ang ambon. Maraming nag-aabang ng masasakyan hindi ko nga malaman kung bakit sa tuwing umuulan o umaambon ay mahirap sumakay. Tumagal ng mahigit sa sampung minuto ang aking pag aabang at sa wakas...
"Eto na ang bus na inaantay ko medyo maluwang pa." sabi ko sa sarili ko habang nakikipag unahan sa mangilan ngilan na pasaherong papunta sa bus.
"Hay salamat nakaupo pa ako." medyo sa may bandang hulihan nga lang ako nakaupo pero ok lang at least nakaupo kesa naman nakatayo. Karaniwan ay animan ang upuan sa hulihan apat pa lamang kaming nakaupo at may bakante pang dalawa. Habang tumatakbo ang bus ay napansin ko na medyo malakas ang blower na naka tutok sa akin hindi ko naman ito magalaw na naka fixed na ito. Malamig pa naman ng umagang iyon.
"Hindi bale mamaya naman kapag may sumakay ay mahaharangan ang blower ng uupo sa tabi ko" pabulong ko sa aking sarili habang hinihintay ang susunod na sasakay.
Tumakbo ng bahagya ang bus at maya maya ay huminto may sasakay na paniguradong dito yan tatabi sa akin kasi wala ng ibang mauupuan kundi sa bandang huluhan sa tabi ko. Isang lalaki ang sumakay naka jacket naka salamin. Umurong na ako at umupo na siya sa tabi ko.
"Yan ok na natakpan na ang blower na kanina pa umiihip sa aking mukha." napangiti kong sabi sa aking sarili.
"Bakit parang bumaho?" tanong ko sa sarili ko. Singhot ako ng singhot sige singhot pa.
"Ang baho talaga! ano ba yung nangangamoy?"
Tinignan ko ang mga nakaupo sa unahan sa tabi sa gilid sa likuran. Wala naman silang reaksyon. Para bang ako lang ang nakaka amoy ng mabahong amoy na iyon.
"Ay alam ko na kung ano yung nangangamoy." sabi ko sa sarili ko habang nakatakip ako ng aking ilong. Itong katabi ko ang mabaho. Nakatapat pala siya sa blower at ang hangin na napupunta sa akin ay nanggagaling sa kanya.
"Bwiset naman to!" inis kong bulong sa sarili. Marahil ang jacket niyang suot ang mabaho amoy pawis na amoy takla na hindi ko maintindihan. Talaga namang nakakainis. Narinig ko ng nagbayad siya Vito Cruz daw siya bababa.
"ANOO!!! Hanggang Vito Cruz pa ako mag titiis sa amoy nito grrr... ano ba namang klaseng tao to hindi ba niya naaamoy ang sarili niya ang baho baho talaga."
Habang kami'y naglalakbay ay maya't maya kong tinatakpan ang aking ilong dahil sa hindi ko talaga matiis ang baho. Malapit na ang Vito Cruz tumayo siya... suminghot ako... mabaho pa din... papalayo na siya...suminghot ako...medyo nawala ang amoy... nakababa na siya... wala na ang amoy! Tama ang hinala ko siya ang mabaho! Gusto ko siyang sigawan ng...
"PWE!! ANG BAHO MO!!! SINIRA MO ANG UMAGA KO!!!"
No comments:
Post a Comment