Monday, November 08, 2004

Sanggol

Hindi lingid sa atin na nitong nakaraang mga buwan ay nakakabalita tayo ng mga fetus na iniiwan na lamang sa isang lugar katulad ng simbahan, dumpsite at kung saan saan.

Kaninang umaga ay may ibinalita na namang isang sanggol ang iniwan ng kaniyang magulang sa basurahan ng isang fastfood at mabuti na lamang at buhay pa. Karaniwang ang dahilan ng ganitong pangyayari ay ang hindi inaasahang pagbubuntis o pagdadalang tao.

Ang bawat sanggol ay regalo sa atin ng Dios. Ngunit may mga taong pinagkaitang mabiyayaan ng anak. Halos ibuhos ng mag-asawa ang buong buhay nila sa kakapanalangin ngunit hindi pa rin sila magkaanak.

Ano nga ba ang dahilan ng Dios bakit hindi Niya binibigyan ng anak ang mag-asawang humihingi nito? At ano rin nga ba ang dahilan ng Dios at binibigyan Niya ng anak ang mga hindi nararapat bigyan nito? Totoo nga bang ang bawat sanggol ay regalo sa atin ng Dios?

No comments: