Friday, November 26, 2004

Pasko sa Piling Mo (ikalawang bahagi)


"Hindi ako dito nakatira. Wala akong natatandaang ganito." Hinawakan ko ang aking ulo na tila yata hindi ko na maaalala kung saan ako nakatira.

"Susubukan ko naman sa banda roon baka nandun ang bahay ko."

Lumakad ulit ako at nakita ko naman ang isa pa ring bata na kasama ang kanyang nakakatandang kapatid. May mga hawak silang libro, lapis at papel.

"Ah sigruo nag-aaaral sila. Ako din gusto ko ding makapag-aral." nakangiti kong tugon sa aking sarili.

Umupo ako sa kanilang tabi at tinignan ang kanilang ginagawa. Tumagal ako sa lugar na iyon at naalala ko na may hinahanap pala ako. Kaya't dali dali akong tumayo para ipagpatuloy ang aking paghahanap.

"Ano ba ito hindi ko na talaga matandaan kung saan ako nakatira." bulalas ko sa aking sarli habang nagdadabog patungo sa susunod na bahay.

Namalayan ko na lamang na dinala ako ng aking mga paa isang kwarto. Tahimik at malamig sa kwartong iyon. Nakita ko ang isang kama na may mga taong nakahiga. Isang ama at ina ang nakahiga duon at pinapagitnaan nila ang isang limang taong gulang na bata.

"Napakasarap siguro ng pakiramdam ng batang iyon." Naiinggit kong sambit sa aking sarili.
"Gusto kong dito tumira. Dito na lang ako maglalagi."

Inabot na pala ako ng hatinggabi sa paghahanap hindi ko man lang naramdaman ang gutom at pagod. Tumabi ako sa ibaba ng kama at duon humimlay.

itutuloy ...

No comments: