Magpapasko na naman nariyan na naman ang makukulay na mga christmas lights at mga decors. Nitong nakaraang araw ay inilabas na namin ang mga christmas lights na aming itinabi noon pang nakaraang pasko. Exited kami lalo na ang aking anak na makita ang iba't ibang kulay ng christmas lights. Habang itoy aking inaalis sa lalagyan ay pilit niyang pinapapabuksan para makita niya ang iba't ibang kulay na magmumula dito. Maski na hindi gaanong naiaayos sa pagkakaalis sa kinalalagyan ay binuksan ko na ito para lamang makita ng bata. Namangha siya ng makita ito na para bang hindi pa siya nakakakita ng iba't ibang kulay na nagmumula sa christmas lights.
Marahil ay hindi lamang ang mga bata ang namamangha sa iba't ibang kulay maging tayo na rin. Kahit papaano ay nalilibang tayo ng panandalian kapag nakakakita tayo ng mga bagay na may mga iba't ibang kulay hindi lamang sa christmas lights.
Mayroon tayong tinatawag na buhay na makulay. Ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito? Paano nga ba nagiging makulay ang buhay ng isang tao? Sino ang nagbibigay ng kulay? Ikaw, makulay ba ang iyong buhay?
No comments:
Post a Comment