Gusto kong maramdaman ang yakap ng aking ina. Gusto kong maramdaman ang yakap ng aking ama. Gusto kong ring makipaglaro sa mga bata sa kapitbahay at maranasan ang kagalakang kanilang nadarama. Gusto kong turuan din ako ng aking kapatid at maipagmalaki niya kapag ako'y marunong na.
Naramdaman ko na lang na bumangon ang ina ng bata at dali daling tiningnan kung anong oras na. Ginising niya ang kaniyang asawa at ang kanyang anak sabay bulong ng ...
"Maligayang Pasko sa inyong dalawa. Gising na kayo ay tayo'y kumain at magbukas ng mga regalo." sambit niya habang nakangiting tinitignan ang dalawa. Masaya ang aking naramdaman ng mga oras na iyon. Ang sarap pala ng may ama't ina na kumakalinga. Gusto ko mang manatili sa lugar na iyon ay hindi ko magawa.
Bumangon ako at patuloy na hinanap kung saan ako nakatira. Pagod na ako, hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. Umupo ako sa isang tabi at napansin kong may tila umiiyak. Hinanap ko kung saan nagmumula ito at nakita ko ang isang lumang bahay na nasa bandang likuran ko lamang. Pumasok ako at nakita ang isang ginang na pinapatahan ng kanyang asawa.
itutuloy ...
No comments:
Post a Comment