Tuesday, November 30, 2004

Christmas Decor

"Aba malapit ng mag December dalawang araw na lang. Walang pasok ngayon makapaglagay nga ng dekorasyon dito sa bahay. Teka nga asan ba yung mga christmas decor namin." hanap ako dito hanap ako dun habang tumutugtog ang mga pamaskong awitin na aking inilagay sa bulok naming cd player.

"Aha andito ka lang pala!" habang pinapagpag ang mga alikabok sa tila mahabang kahon kung saan nakalagay ang mga christmas decor.

Pagbukas ko ay nakita ko ang mga dahon ng pine tree na nakaporma ng pahaba 10-15 feet yata ang haba nito. May mangilan ngilang din akong nakitang mga bulaklak at pangsabit sa christmas tree.

"Saan ko kaya ilalagay ang mahabang dahon na ito." kamot ulo kong tanong sa aking sarili.

"AH! Alam ko na! Sa may hagdan ilalagay ko sa may ilalim ng hawakan hanggang sa ibaba." Dali dali kong kinuha ito at inayos ang mga dahon na nakabaluktot dahil sa pagkakaipit sa kahon. Naiporma ko na at ng makakalahati na ako ay tinignan ko sa malayo.

"Hmmm, para yatang hindi maganda. Kasi nakaharang ito... maikli itong ano... hindi rin makita itong ano... hmmm, PANGIT! walang kwenta!" tinanggal ko ulit at naghanap ako ng ibang mapapagkabitan.

"Ayun dito sa may biga ng bahay ko ikakabit tamang tama ang haba niya." Ang problema ay walang pagssabitan kaya't kumuha ako ng pako at martilyo. May kataasan ang biga ng bahay kaya nahirapan akong magpako kasi wala akong makitang matutuntungan kundi ang isang upuang mono block na bilog na walang sandalan.

"Ayan pwede ng tuntungan to abot naman pala e, pero medyo kapos ng konti titingkayad na lang ako."
Tatlong pako ang nailagay ko sa magkabilang dulo at sa gitna.

"Siguro tama na itong pako na ito." palagay ko sa aking sarili. Dali dali kong kinuha ang dahon at isinabit ito.

"Tamang tama parang sinukat ang haba. Hmmm.... parang nakalaylay sa magkabilang bahagi. Kailangan yatang dagdagan ko ang pako." akyat na naman ako at dinagdagan ko ng dalawang pako.

"Yan siguro ok na ito." Isinabit ko na ang nakalaylay na bahagi. Dahil sa hirap na hirap na ako kakatingkayad ay naisipan kong kumuha ng isa pang matutuntungan. Kakahanap ko ay nakita ko ang isang maliit na upuang plastic na ginagamit sa paglalaba.

"Tamang tama pwedeng ipatong ito sa monoblock." nakangiti kong binitbit ito at ipinatong sa monoblock. Naisip kong baka dumulas ito kapag tinuntungan ko na pero namuo pa rin sa aking isip na matapos ang aking ginagawa maski na delikado ang aking tungtungan.

Hala at umakyat na ako sinubukan ko muna kung hindi dudulas hindi nga dumulas. Napangiti ako at nasa isip ko na ok naman pala kaya't itinuloy ko ang pagsabit ng mga nakalaylay na bahagi ng aking ginagawa. Habang ikinakabit ko na ay biglang.....

"Swooshhh... BLAG!!"

"Arrrayyy, araayyy ko!!!" Nakangiwi ako habang hinihimas ang bahagi ng paa ko na napuruhan ng bumagsak ako.

"Aw! aw! aw!" kulang na lang ay tumahol ako ng mga oras na iyon sa sakit. Yan kasi ang napapala ng nagmamagaling alam ng madudulas pinagpilitan pa. Tinignan ko ang paa ko at nagtaka ako kung bakit ang dumi dumi. Tumama pala ang paa ko sa bisikleta na nasa tapat ng inaayos kong dekorasyon. Maya maya ay may nakita akong mapulang tumulo mula sa aking paa.

"Ano yun? Dugo? dugo nga!!" Gulat kong tinignan kung nasaan ang sugat hindi ko makita dahil sa maitim ang bahagi ng aking paa dahilan sa grasa ng bisikletang aking kinabagsakan. Dali dali at nangangatog akong pumunta sa banyo. Habang hinugasan ko ang aking paa ay ninenerbyos ako sa kadahilanang hindi ko alam kung gaano kalaki ang sugat sa aking paa.

Ilang minuto rin akong tumagal sa banyo dahil sa ang hirap tanggalin ng grasa. Nangangatog pa rin ako ng masalat ko ang sugat sa aking paa ito ay nasa ilalim ng aking hinlalaki. Tumama pala ang kaliwang hinlalaki ko sa gear ng bisikleta at ito at natusok at nagkaroon ng maliit na hiwa.

"Hay salamat maliit lang pala ang sugat." Nakahinga ako ng maluwag ng malamang maliit lang pala ang aking sugat. Ngunit dama ko parin ang sakit ng aking mga paa. Sa kanan naman ay may pasa sa aking hinlalaki kaya't hirap na hirap akong lumakad.

Nang mahimasmasan ay pinagisipan ko kung itutuloy ko pa itong paglalagay ng christmas decor na ito. "Kailangang matapos ko ito nahulog na nga ako't nasugatan ihihinto ko pa." Kinuha kong muli ang monoblock at hinayaan ko na lang na magtitingkayad ako. Inayos at isinabit ko ang mga nakalaylay na bahagi ng dekorasyon at nakita kong ok na pala. Ang mga pansabit sa christmas tree ay paisa isa kong isinabit habang nagpupunas ng paunti unting dugo sa aking hinlalaki.

"Wow ok na." nakatitig ako habang tumutulo ang pawis sa aking patilya. Sulit din naman ang sugat kong natamo dahil sa nadama kong kagalakan ng makita ko ang natapos kong trabaho.

"Pero masakit talaga aw aw aw awoooo!!!" =)





Friday, November 26, 2004

Pasko sa Piling Mo (ikalawang bahagi)


"Hindi ako dito nakatira. Wala akong natatandaang ganito." Hinawakan ko ang aking ulo na tila yata hindi ko na maaalala kung saan ako nakatira.

"Susubukan ko naman sa banda roon baka nandun ang bahay ko."

Lumakad ulit ako at nakita ko naman ang isa pa ring bata na kasama ang kanyang nakakatandang kapatid. May mga hawak silang libro, lapis at papel.

"Ah sigruo nag-aaaral sila. Ako din gusto ko ding makapag-aral." nakangiti kong tugon sa aking sarili.

Umupo ako sa kanilang tabi at tinignan ang kanilang ginagawa. Tumagal ako sa lugar na iyon at naalala ko na may hinahanap pala ako. Kaya't dali dali akong tumayo para ipagpatuloy ang aking paghahanap.

"Ano ba ito hindi ko na talaga matandaan kung saan ako nakatira." bulalas ko sa aking sarli habang nagdadabog patungo sa susunod na bahay.

Namalayan ko na lamang na dinala ako ng aking mga paa isang kwarto. Tahimik at malamig sa kwartong iyon. Nakita ko ang isang kama na may mga taong nakahiga. Isang ama at ina ang nakahiga duon at pinapagitnaan nila ang isang limang taong gulang na bata.

"Napakasarap siguro ng pakiramdam ng batang iyon." Naiinggit kong sambit sa aking sarili.
"Gusto kong dito tumira. Dito na lang ako maglalagi."

Inabot na pala ako ng hatinggabi sa paghahanap hindi ko man lang naramdaman ang gutom at pagod. Tumabi ako sa ibaba ng kama at duon humimlay.

itutuloy ...

Thursday, November 25, 2004

Pasko Sa Piling Mo (unang bahagi)

Malapit na naman ang pasko naririto na naman ako sa eskinitang ito na patuloy kong nilalakaran. Hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito. Basta't ang natatandaan ko ay may bahay kami rito at ito ang lagi kong hinahanap.

"Nasaan na nga ba ang bahay namin?" tanong ko sa aking sarili habang nagkakamo't ng ulo.
"Teka baka duon banda."

Lumakad ako at tinahak ang lugar na sa pagkakaalam kong bahay ko. Nakita kong may mga bata duon na naglalaro. Masaya at masisigla ang mga batang naroron nagtatawanan at naghaharutan na karaniwang ginagawa ng mga bata.

"Hindi ito ang bahay ko, wala akong natatandaan ganito sa bahay ko. Titignan ko nga sa mga kapitbahay nila baka isa sa mga iyon ang aking bahay."

Lumakad ako at tinignan ang iba pang bahay na naroroon. Napansin ko ang isang maliit na bintana na nakabukas. Nakita ko ang isang ina na nagpapakain ng isang maliit na bata. Masaya rin sila ng mga oras na iyon bakas na bakas sa mukha ng inang ito ang kaligayahan na kanyang nadarama habang nakikipaglaro sa kumakaing bata.


itutuloy...




Tuesday, November 23, 2004

Makulay

Magpapasko na naman nariyan na naman ang makukulay na mga christmas lights at mga decors. Nitong nakaraang araw ay inilabas na namin ang mga christmas lights na aming itinabi noon pang nakaraang pasko. Exited kami lalo na ang aking anak na makita ang iba't ibang kulay ng christmas lights. Habang itoy aking inaalis sa lalagyan ay pilit niyang pinapapabuksan para makita niya ang iba't ibang kulay na magmumula dito. Maski na hindi gaanong naiaayos sa pagkakaalis sa kinalalagyan ay binuksan ko na ito para lamang makita ng bata. Namangha siya ng makita ito na para bang hindi pa siya nakakakita ng iba't ibang kulay na nagmumula sa christmas lights.

Marahil ay hindi lamang ang mga bata ang namamangha sa iba't ibang kulay maging tayo na rin. Kahit papaano ay nalilibang tayo ng panandalian kapag nakakakita tayo ng mga bagay na may mga iba't ibang kulay hindi lamang sa christmas lights.

Mayroon tayong tinatawag na buhay na makulay. Ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito? Paano nga ba nagiging makulay ang buhay ng isang tao? Sino ang nagbibigay ng kulay? Ikaw, makulay ba ang iyong buhay?





Monday, November 22, 2004

Dedmahan sa Bus

Monday na naman pasok na ulit, as usual sasakay ako sa paborito kong pampublikong sasakyan. Ang walang kamatayang aircon bus. Medyo malapit ng mapuno yung aircon bus na nasakyan ko kanina maluwang pa naman kaso mas gusto ko nasa tabi ng bintana.

"Ayun! Meron pang upuan sa hulihan sa animan tamang tama katabi ng bintana." Habang papalapit sa hulihan ay may na amoy akong kakaiba. Hindi ko inintindi kasi normal sa aircon bus ang mabantot.

"Malakas yata ang amoy dito sa hulihan." Sambit ko sa aking sarili habang papaupo na sa may tabi ng bintana.

"Hmmm (singhot! singhot!) Ano bato parang amoy takla na naman!" Luminga linga ako baka mayroon na namang mama na naka jacket ng maantot. Wala naman dalawa lang kami sa hulihan babae pa.

Dedma na lang kung ano yung amoy na yun.

Maya maya ay napuno na ang bus tayuan na. "Aba! parang ako lang ulit ang nakakaamoy ng amoy taklang yun a!" bulong ko habang tinitignan ko ang mga nakasakay kung anong reaksyon nila.

Dedma na lang kung ano yung amoy na yun.

Teka baka naman may nakadikit sa ilong ko. Hinawakan ko ang ilong ko. Wala naman.
"E, ano ba yung naamoy kong yun? PWE!"

Dedma na lang kung ano yung amoy na yun.

"SA WAKAS!! hehehe may naka amoy din." May isang nag tatakip ng panyo sa ilong niya. Malamang may nakaapak ng takla.
"Baka ako yung nakaapak ng takla?!" Hindi ko masilip ang sapatos ko kasi baka nga ako ang nakaapak ng takla, dyahi!

Habang papalapit na ako sa aking bababaan e unti unti akong lumipat ng upuan papalapit sa harapan.
"Parang lumalakas ang amoy, parang ako yata ang nakaapak, ako yata ang nagkakalat ng takla sa bus.tsk tsk!" syempre hindi ko pa din tinitignan ang sapatos ko baka nga may takla, dyahi!

Lumipat ako ng isa pang upuan malapit na sa likod ng driver aba ang tindi na ng amoy! Pero walang reaksyon ang mga nakasakay.

Dedma na lang kung ano yung amoy na yun.

Nakababa na din ng bus sinilip ko ang sapatos ko buti na lang at walang takla.

"Pambihira kang bus ka ang bantot mo PWE!!"

Thursday, November 18, 2004

Get to know me

How much do we actually know about our friends?
This is a questionnaire to get to know them better. Read through the
comments below about your friend and then make sure you read the
instructions at the bottom.
Have fun!

1. What time is it: 10.33
2. Name as it appears on birth certificate: ALVARO DEL MUNDO
3. Piercing(s): 1 NASA ANO... SA... SIKWET... HEHEHE GUSTO MONG MAKITA? PAPAKITA KO SAYO :D
4. Eye color: DARK BROWN NA PARANG BLACK HINDI MO MAPAPAGKAMALANG DARK BROWN KASI NGA PARANG BLACK =D
5. Place of birth: MAKATI
6. Favorite food: PIZZA
7. Ever been to Africa: ALA AKONG BALAK BAKA IKAW MERON
8. Ever been toilet papering: NO
9. Love someone so much it made you cry? YES
10. Been in a car accident: NO
11. Croutons or bacon bits: BACON BITS
12. Favorite day of the week: FRIDAY
13. Favorite restaurant: MAX'S
14. Favorite Flower: KANTUTAY(OK NA OK PANGALAN PA LANG HEHEHE)
15. Favorite sport to watch: BOXING & BILLIARDS
16. Favorite drink: MINERAL WATER :D
17. Favorite ice cream: UBE
18. Disney or Warner Bros: DISNEY
19. Favorite fast food restaurant:TURO TURO DYAN SA KANTO
20. What color is your bedroom carpet? KUNG MERON MAN BAKA NEON ORANGE :D
21. How many times did you fail your driver's test: NA
22. Before this one, from whom did you get your last e-mail: SPAMS FROM VIAGRA SELLER :D
23. Which store would you choose to max out your credit card: ANY COMPUTER STORES
24. What you do most often when you are bored: SIKWET HEHEHE
25. Bedtime: 10:30 pm
26. Who will respond to this e-mail the quickest: MALAY KO SA KANILA KARAMIHAN SA KANILA TAMAD MAG-EMAIL
27. Who is the person you sent this to that is least likely to respond: MALAY KO DIN
28. Favorite TV shows: NGINIGG: THE HIDDEN FILES
29. Last person you went out to dinner with: HMMM...
30. Ford or Chevy: FORD (FIERRA?) :D
31. What are you listening to right now? ATRAS ABANTE
32. What is your favorite color: WATERCOLOR ;D
33. Lake, ocean or river: RIVER
34. Time you finished this e-mail: 10:50
35. Have you ever run out of gas? OO NAMAN. LPG?

Here's what you're supposed to do...and please do not spoil the fun. Copy (NOT forward) this entire e-mail and paste it onto a new e-mail that you will send. Change all of the answers so that they apply to you.

Then send this to a whole bunch of people you know INCLUDING the person
who sent it to you, the theory is that you will learn a lot of little-known facts about those who know you. Remember to send it back to the person who sent it to you.

Tuesday, November 16, 2004

Turta Virus

Nakakaturta naman ng utak tong virus nato hindi maalis-alis.

San nga kaya nagmumula itong mga computer virus na katulad nito? Bakit ba may gumagawa ng computer virus? Anong purpose nila? Napagkakatuwaan nga lang ba ang paggawa nito? Hindi ba nila na marami ang napeperwisyo nila kapag kumalat ang ginawa nilang virus?

Hindi kaya ang mga anti-virus maker din ang gumagawa ng computer virus para mabenta nila ang anti-virus program nila? O baka naman nagpapaligsahan sila kung gaano katibay ang virus at kung gaano kagaling ang anti-virus.

Ang sakit kaya ng tao saan nagmula? Sino ang gumawa? Galing kaya ito sa Dios o kay Satanas? Kung sino man ang gumawa e anong purpose niya? Napagkatuwaan lang ba ang paggawa nito? Hindi ba alam ng gumawa na marami ang napeperwisyo kapag kumalat ang ginawa niyang sakit? Parang inulit ko lang yung tanong.

Friday, November 12, 2004

Mahirap

Darating ang panahon na mawawalan tayo ng kababayang mahirap sa Pilipinas. Lalo na ngayong hindi mapigilan ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Kasi hindi na nila kayang bumili ng pagkain sa araw araw. Unti unti silang mauubos at mamamatay ng dilat sa gutom. Ang matitira ay ang mga may kaya sa buhay at mga mayayamang pulitiko na lalong yumayaman kakakurakot sa kaban ng bayan.

Kawawang Juan dela Cruz hanggang DREAM na lang hindi na BELIEVE sa gobyerno kaya ayun sila sila na lang ang makaka SURVIVE.

STARTRUCK?

Caltex?

Thursday, November 11, 2004

Itlog

Napanood ko kanina na tinatalakay ng host ng unag hirit ang pagkain ng itlog. Ito raw ay mayaman sa protina at cholesterol. Ang sobrang cholesterol daw sa katawan ay nakapagbibigay ng sakit sa puso. Kung kaya't kapag kumain ka ng maraming itlog ay tataas ang cholesterol mo. Ngunit gaano ba katotoo ito? May mga nagsasabing ang lecithin content ng itlog ay ang siya namang nagpapababa ng cholesterol sa ating katawan. Kaya safe daw kahit na kumain ka ng maraming itog sa isang araw.

Pero ang pinagtataka ko bakit kaya tinawag ng pula ang gitna ng itlog? Hilaw man o luto dilaw pa rin ang kulay nito. Siguro noong unang panahon e hinahain ito ng may ketsup tapos yung ketsup e nilalagay sa pinakagitna ng itlog tapos natatabunan yung dilaw kaya naging pula. hehehe ang korni. Maski naman yung itlog na pula kapag biniyak mo e dilaw din yung nasa gitna. Sino kaya ang ungas na nagtawag na pula yung gitna ng itlog.

Bakit nga kaya pula ang tawag sa pula ng itlog? saka bakit egg yolk ito sa ingles?

Wednesday, November 10, 2004

Playtime

Habang nasa bus ako kahapon ay may pinanapanood akong isang pelikula. Napansin ko sa ibaba ng screen ng tv ang oras na tumatakbo habang pinapanood namin ang pelikula. Ito ay ang oras kung gaano kahaba ang itinatakbo ng pelikula. Karaniwan na itong nakikita sa mga vhs or vcd players.

Ang playtime ng isang pelikula ay tumatakbo ng mahigit kumulang sa isa't kalahating oras. Medyo nag isip ako kung bakit nga ba ang isang pelikula ay tumatakbo ng mahigit kumulang na isa't kalahating oras lamang.

Masasabi nating mahaba ang isang pelikula kapag ito'y lumampas na ng 2 hours at masyado namang maikli kapag ito'y 1 hour lamang. Naisip ko din na ang isang album ng awitin ay may ganito ring sistema. Ang isang album ay may playtime na 45 hanggang 60 minutes. Masyadong maikli ito kapag 30 minutes lamang at mahaba naman kapag lumampas na ng 60 minutes.

E ano nga ba? Bakit nga ba? Saan nga ba nagmula ang ganitong sistema? Ha! saan? saan? Sinong may pasimuno nito?

Wala lang baka ikaw =D



Monday, November 08, 2004

Fear or Phobia

Ang sermon ng pastor noong nakaraang linggo ay ang patungkol sa takot. 2 Tim 1:7 For God hath not given us the spirit of fear; but of power, and of love, and of a sound mind.

Ang takot ay natural sa isang tao. Lahat ng tao o hindi lamang tao kundi lahat ng nilalang ay may kinatatakutan. Ngunit kung ang takot mo ay nakakaapekto sa normal mong pamumuhay at ang takot mong ito ay alam mo na hindi mapanganib ang tawag dito ay phobia.

Ayon sa napanood ko ang isang paraan daw para maalis ang phobia ay ang pagharap mismo sa bagay o sitwasyon na ating kinatatakutan.

Isa sa mga natandaan ko sa sinabi ng pastor ay ang paglagay ng guhit ni satanas sa ating buhay. Sinasabi ni satanas na hanggang dito ka na lang hindi ka na pwedeng lumago sa spiritual mong buhay dahil sa oras na lumampas ka sa iginuhit ni satanas ay lagot ka sa kanya. Ang solusyon ay kailangang hakbangan natin ang guhit na ito na inilagay ni satanas at harapin ang mga takot na kakaharapin natin upang tayo'y lumago sa ating spiritual na buhay.

Nahakbangan mo na ba ang iginuhit ni satanas?

Sanggol

Hindi lingid sa atin na nitong nakaraang mga buwan ay nakakabalita tayo ng mga fetus na iniiwan na lamang sa isang lugar katulad ng simbahan, dumpsite at kung saan saan.

Kaninang umaga ay may ibinalita na namang isang sanggol ang iniwan ng kaniyang magulang sa basurahan ng isang fastfood at mabuti na lamang at buhay pa. Karaniwang ang dahilan ng ganitong pangyayari ay ang hindi inaasahang pagbubuntis o pagdadalang tao.

Ang bawat sanggol ay regalo sa atin ng Dios. Ngunit may mga taong pinagkaitang mabiyayaan ng anak. Halos ibuhos ng mag-asawa ang buong buhay nila sa kakapanalangin ngunit hindi pa rin sila magkaanak.

Ano nga ba ang dahilan ng Dios bakit hindi Niya binibigyan ng anak ang mag-asawang humihingi nito? At ano rin nga ba ang dahilan ng Dios at binibigyan Niya ng anak ang mga hindi nararapat bigyan nito? Totoo nga bang ang bawat sanggol ay regalo sa atin ng Dios?

Friday, November 05, 2004

Hell

Pareho daw ang Christian and Muslim hell. Sa paniniwala ng kristiyano mapupunta sa impyerno ang mga hindi naniniwala sa kanilang katuruan. Sa paniniwala naman ng muslim mapupunta din sa impyerno ang hindi naniniwala sa kanilang katuruan. Hmmm... magkita kita nalang tayo dun =)


Thursday, November 04, 2004

Wednesday, November 03, 2004

Laro

LARO

Habang nanonood ng TV ay napanood ko ang commercial ng Milo. Nakakatuwa ito ng aking mapanood. Ang commercial na ito ay binubuo ng apat na kabataan na naglalaro ng baril barilan sa loob ng bahay. Gamit nila ang mga baril barilang yari sa mga materyales na makikita sa loob ng ating mga bahay katulad ng hanger, sipit, unan at iba pa. Gamit din nila ang kanilang mga tinig upang makalikha ng ingay na kunwari'y nagmumula sa gawa nilang baril barilan. Ang matamaan ng kanilang baril barilan ay patay. Ang akala ko noon ay wala na ang ganitong klaseng laro ng mga kabataan pero meron pa pala. Hightech na kasi ngayon nariyan ang mga video at computer games kung kaya't inakala kong hindi na ito nilalaro.


Ito marahil ang bunga ng mga nakaraang pandaigdigang digmaan at ang larong ito ay napamana na ng ating mga magulang. Naranasan ko din ang ganitong laro nung ako'y bata pa. Masaya, nakakapagod, may kampi-kampi, may panalo, may talo, may nasasaktan o nasusugatan, may nang-aasar at may napipikon.

Baril-barilan ang hawak ko nung ako'y bata pa. Isang laruan na alam kong hindi makapananakit ng aking kapuwa. Isang laruan na nakapagbibigay kasiyahan kapag ako'y naglaro na. Ngunit may epekto nga ba ngayong ako'y malaki na? Wala bang larong simba-simbahan?