Mga walang kwentang bagay na nasa isip ko na ayaw kong malaman mo pero nais kong ipabasa sayo. Kung hindi mo babasahin hindi mo malalaman ang walang kwentang bagay na ayaw kong ipaalam sa iyo. Kaya huwag mong basahin.
Thursday, February 24, 2005
Sinong May Kasalanan
Nabasa ko noon ang isang comic strip ni Charlie Brown sa isang dyaryo.
Kausap ni Charlie Brown ang isa sa kanyang mga kaibigan sa telepono.
"Alam mo ba, Charlie Brown ... ito ang unang araw ng eskwela at ako ay pinatawag sa principal's office at ito ay kasalanan mo."
"Kasalanan ko?" Nabiglang tugon ni Charlie Brown. "Paanong nangyaring kasalanan ko? Bakit ba parating ako na lamang ang sinisisi mo at sinasabing kasalanan ko?!"
"Hindi ba't ikaw ay kaibigan ko, Charlie Brown? Dapat ay maging magandang impluwensiya ka sa akin!"
Minsan ay natutulad tayo sa comic strip na ito. Sa kadahilanang hindi natin matanggap na kasalanan natin ang isang pangyayari ay naghahanap tayo ng maituturo at masisisi. Kailangan ay matutunan natin ang pagtanggap sa ating mga kasalanan at huwag sisihin ang tao o pangyayari na walang kinalaman mga nangyayari.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment