Maraming pinoy ang sumubaybay sa korea novelang Lovers in Paris. Minsan ay inaaabutan ko ito pero hindi ko na masundan ang kwento. Kaya naghanap ako ng pirated cd nito at bumili ako. Napanood ko na at medyo naintindihan ko na rin ang kwento bagamat hindi ko kumpletong pinanood. Sa aking pananaw ay walang kakaiba sa kwento nito.
Unang una hindi na kakaiba ang kulturang asiano na pinagkakasundo ang kanilang mga anak upang ipakasal sa isat isa para sa kapakanan ng kanilang negosyo marami na tayong napanood na ganito. Pangalawa ang pagkakagustuhan ng isang mayaman at ng isang mahirap mas marami na tayong napanood na ganito. Ang pang huli ay ang love triangle sa pagitan ng magkapatid o magkamag anak.
Kung ating susuriin ay walang pinagkaiba ito sa mga gawang pinoy na pelikula. Ngunit ang kinagusto ko dito ay ang emosyon na ibinibigay ng bawat artista sa karakter na kanilang ginagampanan. Nakakatuwa at nakakadala rin.
Bagamat hindi ko napanood ang kabuuan, ang eksenang nagustuhan ko ay ng umiyak si Shoo Hyug(Martin) ng siya ay nagkukunwaring hindi niya maalala ang kanyang mahal na si Tae Young(Vivian). Magaling din ang pagkakaganap ng artista kay Ki-Joo(Carlo) dahil sa kitang kita sa kanya ang katatagan at katigasan ng pagkatao ng isang presidente ng isang malaking kumpanya. Sa bandang huli ay kapansin pansin din ang mabilis na pagtulo ng luha ni Tae Young(Vivian) na sa tuwing makikita pa lamang niya si Ki-Joo(Carlo) ay nangingilid na kaagad ang kanyang luha.
Isang eksena rin na inabangan ko ay ang huling parte nito na malapit na silang magkita sa fountain na kanilang hinuhulugan ng barya. Hindi naman ako nabigo dahil makatotohanan ang kanilang facial expression na ipinakita ng sila'y magkita.
Ang kinainis ko e yung ending. Ang daming pwedeng gawing ending e bakit ang hindi pagiging totoo pa nito ang napili ng gumawa nito. Hindi ba nakakainis kapag nanaginip ka tapos nasa magandang parte ka na ng panaginip mo e bigla kang magigising hindi ba nakakainis yun. Akala mo totoo lahat tapos hindi pala.
Panoorin ko nga ulet baka magustuhan ko na yung ending kapag inulit ko =)
No comments:
Post a Comment