Noong isang araw ay mayroon akong email na natanggap at ito ay naglalaman ng apat na litrato ng bata na halos buto't balat na lamang. Kung iyong titignan ay isa lamang itong pangkaraniwang email na ipinapasa at patuloy na ipinapasa lamang. Ngunit ng aking tignan ang mga litratong ito ay bahagya itong nakaapekto sa aking isipan.
Ang unang litrato ay nagsasaad ng isang bata na namumulot ng mga nalalaglag ng pagkain sa kalsada at ito ay kanyang kinakain. Ang pangalawa naman ay isang bata na nakasubasob sa puwitan ng isang hayop marahil ito'y isang baka, siguro ay naghihintay siya ng ihi nito upang makainom. Ang pangatlo naman ay bata din na animo'y naliligo habang ang baka ay umiihi. At ang pang-apat ay ang payat na payat na bata na nakasubsob sa kalsada at siya'y sinusundan ng buwitre. Hinihintay na lamang ng buwitreng ito na mamatay ang bata upang ito ay kanyang makain.
Sinasabi nating mabuti ang Dios sa lahat ng pagkakataon, ngunit naitanong ko sa sarili ko bakit ang mga batang ito ay tila yata pinagkaintan ng kabutihan ng Dios?
No comments:
Post a Comment