Mga walang kwentang bagay na nasa isip ko na ayaw kong malaman mo pero nais kong ipabasa sayo. Kung hindi mo babasahin hindi mo malalaman ang walang kwentang bagay na ayaw kong ipaalam sa iyo. Kaya huwag mong basahin.
Wednesday, March 09, 2005
Health Card
Habang ako ay nag aayos ng aking gamit sa aking drawer ay may napansin akong tila parang isang credit card na nasa isang sulok. Bagong bago pa ito at bihira ko yatang makita. Ito pala ay isang health card na binayaran ko ng isang taon kada sweldo at nag expire na noong nakaraang buwan ng pebrero. Nanghinayang ako sa binayad ko sa card na ito sa kadahilanang ni isang beses ay hindi ko man lamang nagamit. Kung inipon ko ang ang binayad ko mula noong isang taon ito ay malaki laki na rin.
Ngunit napagisip isip ko na hindi pala ako dapat manghinayang bagkus ay magpasalamat pa. Mahigit isang taon na pala akong hindi nagkakasakit ng malubha. Isa pala itong pagpapala na dapat na ipagpasalamat at ang health card na ito ay ang nagsilbing paalala upang malaman ko na dapat pala akong magpasalamat sa ating Dios na nagbibigay sa atin ng sapat na kalusugan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment