Thursday, December 30, 2004

Brief na masikip!

Ang hirap pala ng lumalaki ang chan sumisikip ang brief naiipit tuloy ang ano ko... ang... ang...
ang lower abs ko hehehe. Lalo na kapag umuupo tapos mainit ang panahon tsk pinagpapawisan ang... ang... ang... garter ng brief ko hehehe. Nakakairita tsk. Kailangan ko ng mag exercise para lumiit ang aking chan. Pero mas madali yata ang bumili ng bagong brief kesa sa mag exercise. Hmmm oo nga hayaan mo na siyang lumaki (yung chan ko) uso naman yan e hehehe.


Tuesday, December 28, 2004

Bagong Taon

Natatandaan ko noong ako ay nasa elementarya pa lamang pagkatapos ng bagong taon unang pasok sa eskwela, pinasulat kami ng aming guro kung ano ang aming gustong baguhin ngayong bagong taon, ang tawag daw dito ay new year's resolution. Unahan at paramihan, halos mapuno ang aming sinusulatang papel.

Bagong taon ay mag bagong buhay, sinubukan nya, sinubukan nila, sinubukan mo, sinubukan ko, sinubukan nating lahat ngunit hanggang umpisa lang at bihirang bihira ang nag-tatagumpay. Nandoon ang kagustuhang magbago pero matindi pa rin ang hatak ng maimpluwensyang mundo. Isa na namang bagong taon, taon na lang ba ang laging magbabago?

Basahin: Roma 6:4



Friday, December 24, 2004

Pasko Sa Piling Mo (huling bahagi)

Napakatahimik ng buong paligid parang nabingi ako ng mga sandaling iyon. Nakita ko na lamang ang aking sarili na nakatayo katabi ang mag asawang iyon umiiyak sa panahon ng kapaskuhan. Tinatanong ko sila ngunit hindi nila ako naririnig. Tinatawag ko sila ngunit hindi nila ako pinapansin. Sinubukan ko silang hawakan ngunit bakit ganito hindi ko sila mahawakan. Sa pagkakataong iyon ay tumulo ang kauna unahang luha sa aking mga mata. Pumatak ang aking luha sa balikat ng ginang na nagbigay pansin sa kanya. Tumingin siya sa luha at tila bang nagtataka kung bakit may naramdaman siyang patak ng luha sa kaniyang mga balikat. Tinungo ng kanyang mga mata kung saan nagmula ang mga luha at nagulat ako ng tumama ang kanyang mga mata sa aking mga mata.

"Narito siya, narito ang anak ko!!"

"AKO?! ako ba ang tinawag niyang anak!?"

Ang sarap pala ng pakiramdam ng may tumatawag sa iyong anak. Siya nga. Sila nga ang aking hinahanap sila ang aking pamilya. Dito ako nakatira.

Tumingin siyang muli sa akin...

"Anak patawarin mo ako sa ginawa ko sa iyo. Kung hinayaan lamang kitang mabuhay sana ay malaki ka na ngayon. Patawarin mo ako na pinatay kita ng ika'y nasa aking sinapupunan pa lamang. Patawarin mo ako anak. Patawad."

Ngayon alam ko na.





ISA PALA AKONG UTOT!! =D


WAKAS



Monday, December 20, 2004

Basketball

Buset na slamdunk. Napapanood ko ito sa ayaw at sa gusto ko kasi itong mga bus e lagi kong na tityempuhan palabas slamdunk. Nasusundan ko tuloy ang istorya maskina nagkakanda duleng na ako kakanood sa bus e pinapanood ko pa din naadik na yata ako. Kaso kainis talo sila ng Kainan team nung nakaraan ang nagpatalo e si Sakuragi mali ang pinasahan. Iyak ang gunggong. Gunggong talaga! Nakakatawang nakakaiyak. hehehe

Saturday, December 18, 2004

Survey na naman

1.Ano para sayo ang pangalan mo?
musika

2.Ano para sayo ang gf o bf mo?
pangarap

3.Ano para sayo ang buhay?
hindi patay

4.Ano para sayo ang kaibigan?
kayamanan na kadalasan ay walang silbe

5.Ano para sayo ang musika?
pangalan ko

6.Ano para sayo ang pelikula?
pampalipas oras

7.Ano para sayo ang gera (war)?
kailangan ng sangkatauhan para maunawaan kung ano ang kapayapaan

8.Ano para sayo ang pagmamahal?
pagunawa at pagrespeto

9.Ano para sayo ang kulay?
kagalakan, kasiglahan at kabataan

10.Ano para sayo ang pagkain?
pangangailangan ng katawan

11.Ano para sayo ang halik?
umpisa ng laban =D

12.Ano para sayo ang yakap?
umiinit na ang laban

13.Ano para sayo ang sex?
naglalabanan na =D

Trip:

1.Ano para sayo si Avril Lavigne?
dunno

2.Ano para sayo si EMINEM?
melts in your mouth...

3.Ano para sayo ang survey nato?
walang kwenta pero pinagiisip ako

4:Ano para sayo ang friendster?
kapag wala ka ng maisip na magawa

5:Ano para sayo ang bumabasa nito at sumasagot narin?
katulad kong walang magawa

6:Ano para sayo ang kulay ng pangloob ng bumabasa nito o sumsagot nito?
sisilipin ko mamaya 8)

7:Ano para sayo ang pasko?
sakit sa bulsa ng mga employer

8:Ano para sayo ang new year?
bagong taon

9:Ano para sayo ang babae?
para sa lalake

10:Ano para sayo sapatos?
para sa paa

11:Ano para sayo ang relo?
para sa braso

12:Ano para sayo ang trabaho mo?
kapaguran na may bayad

13:Ano para sayo ang pangarap?
inaasahan sa buhay na kadalasan ay hindi natutupad


Thursday, December 16, 2004

Survey

NAME:
ahl

DO YOU THINK YOU'RE NORMAL:
ab =D

DO PEOPLE FIND YOU STRANGE:
yup

DO YOU BELIEVE IN GOD:
yup

DO YOU SIN A LOT:
yup

DO YOU BACKSTAB:
nope

ARE YOU A GOOD FRIEND:
nope =D

ARE YOU IN LOVE:
yup

ARE YOU YOUNG:
yup

EVER BEEN A LEADER OF SOMETHING:
yup

EVER KILLED A LIVING CREATURE:
yup.. try mo lumapit ka sa akin mamaya

LAST ODD THING DONE:
hmm... secret

DO YOU WEAR MAKE-UP:
yup... sa gabi lang =D

DO YOU REBEL:
yup

EVER STARTED A FIRE:
yup

DO YOU THINK YOU'RE EVIL:
yup

DO YOU LIKE LYING:
nope

DO YOU REGRET:
yup

DO YOU HAVE A BESTFRIEND:
yup

DO PEOPLE HATE YOU:
yup

DO YOU HATE PEOPLE:
yup

CAN YOU KILL SOMEBODY:
nope

DO YOU CUT YOURSELF?
nope

EVER TASTED BLOOD:
yup

DO YOU CARE WHAT OTHERS MAY THINK
OF YOU:
yup

EVER DONE ANYTHING OCCULT:
yup

ARE YOU GOTHIC:
nope

DO YOU SMOKE:
nope

CONSUME DRUGS:
yup

WHAT DO YOU WEAR:
damit

YOUR SKIN COLOR:
kayumanggi

DO YOU LIKE THE SUN:
nope

HAVE YOU LOST SOME ONE YOU LOVE:
yup

HOW DOES GRIEF FEEL:
para ba yang brief? kapag masikip in grief ka talaga =D

YOUR ROLE MODEL:
fpj?

YOUR HEART DESIRES TO BE WITH
WHOM:
secret

YOUR LISTENING TO:
none

DO YOU HATE YOURSELF:
yup

------------------------------------------------

Walang ma ipost kaya pinatulan ko na tong survey



Tuesday, December 14, 2004

Wala na si Da King

Medyo nalungkot ako ngayong umaga ng mabalitang pumanaw na si FPJ. Hindi naman ako fan ni FPJ at bihira din akong makapanood ng kanyang mga pelikula pero ayon sa mga nakakakilala sa kanya ay marami siyang lihim na natulungang mga kababayan nating mahihirap. Marami pa sana siyang matutulungan pero hanggang duon na lang ang itinakda ng Dios para sa kanya.

Naisip ko na ang Dios pa rin ang magdedesisyon kung hanggang saan na lang ang buhay mo. Kahit na milyong katao pa ang manalangin para dugtungan pa ang buhay mo e bale wala ang lahat ng mga ito.

May panalangin palang nababalewala?


Monday, December 13, 2004

Pasko Sa Piling Mo (ikaapat na bahagi)

"Tahan na wala na tayong magagawa matagal na panahon na iyon."

"Matagal na panahon nga pero buong buhay kong pagsisisihan ang ginawa kong iyon."

"Pinatawad na kita, pinatawad ka na rin ng mga mahal mo sa buhay na sinaktan mo kaya't tahan na."

"Patawarin man ako ng lahat ng taong nasaktan ko hindi ko pa rin mapapatawad ang sarili ko."

Natulala ako ng mga oras na iyon habang nakikinig sa kanila. Ano nga ba ang nagawa niya at hindi niya mapatawad ang kaniyang sarili. May mga tanong sa aking isipan. Magulo ang aking pakiramdam at hindi ko alam kung anong dahilan. May nagsasabi sa aking kaloob looban na dito ako kabilang.

"Ang anak ko... ang anak ko... pinatay ko ang sarili kong anak!" pabulong niyang sambit sa kanyang asawa.
"Shh... tama na yan! tuwing pasko na lamang ba ay magkakaganyan ka? Tama na yan."

Nagulat ako, nabigla at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
"Pinatay niya ang sarili niyang anak?! Bakit?! anong kasalanan ng kanyang anak at humantong sa ganoong sitwasyon!?"

itutuloy ...

Friday, December 10, 2004

Preaching

Friday na ngayon pinilit ko uling alalahanin kung ano ang preaching ni pastor... hmmm... ala ako maalala kundi yung pangalan ni Jonas na kinain ng malaking isda. Hindi ko na maalala yung mga pointers nya.

Alalahanin nga e hirap ako magawa ko pa kaya? =D



Wednesday, December 08, 2004

Someday At Christmas

Minsang narinig ko ang pamaskong awitin ng jackson 5 na "someday at christmas" siguro naman ay napakinggan na natin ang lumang awiting ito na bihira ng patugtugin sa panahon ng kapaskuhan. Isa ito sa mga paborito kong pamaskong awit dahil sa magandang mensahe nito.

Someday At Christmas

Someday at christmas men won't be boys
Playing with bombs like kids play with toys
one warm december our hearts will see
A world where men are free

Someday at christmas there'll be no war
When we have learned what christmas is for
When we have found what life's really worth
There'll be peace on earth

Someday all our dreams will come to be
Someday in a world where men are free
Maybe not in time for you and me
But someday at christmas

Someday at christmas we'll see a land
With no hungry children
No emtpy hand
One happy morning people will share
A world where people care

Someday at christmas
There'll be no tears
When all men are equal
No man has fears
One shining moment
One prayer away
From our world today

Someday all our dreams will come to be
Someday in a world where men are free
Maybe not in time for you and me
But someday at christmas time

Someday at christmas
Men will not fail
Hate will be gone
And love will prevail
Someday a new world
That we can start
With hope in every heart


Bukod sa magandang mensahe ay mayroon din itong magandang himig. Kapansin pansin din ang napakanda at naglalarong bassline na pumupuno sa beat nito. Sa panahon natin ngayon ay bihirang bihira na ang gumagawa ng ganitong klase ng bassline.

Para sa akin ay walang makabagong pamaskong awitin na makakatalo sa "someday at christmas" ng jackson 5. Gusto mo pakinggan mo pa. =D

Tuesday, December 07, 2004

Yahoo!

ANO!!?? 250MB? ANG LAKI NAMAN NYAN? 250MB!!??
Kahapon ko lang napansin na ang email account ng Yahoo e 250mb. Palagay ko e ala pang tumatapat dun sa dati nilang 100mb tapos dinagdagan pa nila tsk ibang klase parang hindi kapanipaniwala. Saan kaya sila kumukuha ng space para sa milyon nilang subscriber. Ang tinde YAHUNG YAHOOO!!


Monday, December 06, 2004

Pasko Sa Piling Mo (ikatlong bahagi)

Gusto kong maramdaman ang yakap ng aking ina. Gusto kong maramdaman ang yakap ng aking ama. Gusto kong ring makipaglaro sa mga bata sa kapitbahay at maranasan ang kagalakang kanilang nadarama. Gusto kong turuan din ako ng aking kapatid at maipagmalaki niya kapag ako'y marunong na.

Naramdaman ko na lang na bumangon ang ina ng bata at dali daling tiningnan kung anong oras na. Ginising niya ang kaniyang asawa at ang kanyang anak sabay bulong ng ...

"Maligayang Pasko sa inyong dalawa. Gising na kayo ay tayo'y kumain at magbukas ng mga regalo." sambit niya habang nakangiting tinitignan ang dalawa. Masaya ang aking naramdaman ng mga oras na iyon. Ang sarap pala ng may ama't ina na kumakalinga. Gusto ko mang manatili sa lugar na iyon ay hindi ko magawa.

Bumangon ako at patuloy na hinanap kung saan ako nakatira. Pagod na ako, hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. Umupo ako sa isang tabi at napansin kong may tila umiiyak. Hinanap ko kung saan nagmumula ito at nakita ko ang isang lumang bahay na nasa bandang likuran ko lamang. Pumasok ako at nakita ang isang ginang na pinapatahan ng kanyang asawa.

itutuloy ...

Thursday, December 02, 2004

Bagyo

Pagkatapos ng bagyo winnie e, si yoyong naman. Nagiiba na nga ba talaga ang panahon at ang panahon ng kapaskuhan e nagiging panahon ng bagyo? Noong bagyong winnie e umulan ng pagkalakas lakas.

Ano ba naman to kung kelan nakapaglagay na ako ng mga kristmas lights e saka uulan ng malakas hindi kaya masira ito kapag nabasa ng ulan? Inaalala ko din yung bahay namin na hindi pa tapos, paniguradong tutulo na naman. Hindi nga ako nagkamali naiipon na naman ang tubig sa itaas at ang nagyari ay naglimas ako ng naglimas ang resulta sinipon ako at sumakit ang lalamunan ko. Tapos eto na naman may darating na isa pang bagyo at hindi lang bagyo super typhoon pa tsk.

Nakita ko ang mga nasalanta ng mga dumaang bagyo at ito ay nakapagdulot ng napakalaking pinsala sa mga kababayan nating nasa probinsya. Kaya't ang gobyerno ay naghahanap ng maituturo kung sinong dapat sisihin sa mga flash floods na nangyayari. Pero pasalamat pa rin tayo at may mga kababayan pa rin tayong may pakialam sa ating mga kababayan nating nasalanta. Naisip ko paano kaya ang magiging pasko ng mga taong nawalan ng tahanan, kabuhayan, at mga mahal sa buhay hindi ba't parang napaka mesirableng isipin. Samantalang ikaw e hindi mo maisip kung ano ang iyong mga bibilhin na pangregalo sa mga kaibigan mo.

Hay... ganun talaga ang buhay minsan nasa itaas at minsan ay nasa ibaba at mananatiling nasa ibaba. buti nga ako ang iniisip ko lang e yung tubig na tumutulo sa bahay ko at yung christmas lights na masisira ng ulan. samantalang yung iba e wala na talagang matitirhan.

Minsan ay hindi rin naman natin masisi ang mga illegal loggers na yan. Kung meron bang matinong kabuhayan ang mga mamayan e hindi sila ang gagawa ng mga illegal na bagay na yan. nagiging instrumento lamang sila ng mga taong nasa pulitika at mga taong mayaman na walang ginawa kung ang magpayaman ng magpayaman sa pamamagitan ng mga illegal na gawaing yan.

Nakakainis ang ating gobyerno. wala akong nakikitang hakbang para mahuli at masugpo ang mga bulok na sistema ng mga pulitiko. Mayroon mang mahuling mataas na pulitiko dekada naman ang aabutin ng imbestigasyon at dekada pa rin ang aabutin para maparusahan ang pulitikong ito.

May magagawa ba ako? WALA as in WALA!
Ikaw may magagawa ka ba? Baka meron simulan mo na.

Wednesday, December 01, 2004

Kaluluwa

Miyerkules na ngayon at pilit kong inaalala kung ano ang mensahe ng aming pastor noong nakaraang linggo. Hindi ko na maalala ang kabuuan, ang naalala ko lamang ay ang sinabi niyang...

"Ilang kaluluwa na ba ang nadala mo kay Lord?"
"Ilang kaluluwa na rin ba ang naitaboy mo palayo kay Lord?"

Mas marami yata akong naitaboy palayo kay Lord =)