Ano nga ba yang linux na yan? Papalitan daw ang ginagamit naming windows ng linux. Bakit? tanong namin. Syempre para makatipid, ang isang lisensyadong windows ngayon e nagkakahalaga ng P5000+ sabihin nating 100 ang empleyado na gagamit ng windows magkano na yun? e paano na kung mahigit 500 ang computer na may windows sa inyong kumpanya? tsk tsk... hala lagot. Iba pa ang presyo ng msoffice doble yata ng windows. Kaya ayun sa ayaw at sa gusto kailangang magpalit ng operating system.
Aral dito aral dun research dito research dun. Medyo may kahirapan lalo na kung wala ka pa talagang kaalam alam tungkol sa linux. Nalaman ko na napakarami palang klase ng linux ang tawag dito ay distro or distributions ( http://distrowatch.com ). Kung ang windows ay may win3.1, 95, 98, nt, me, 2000, xp at vista ang linux naman ay mayroong sangdamukal na klase mahigit isang daan yata at iba iba ang gumawa mayroon ngang sariling distro ang pilipinas bayanihan ang tawag dito ( www.bayanihan.gov.ph ) .
Debian, White Box, Vector, Damn Small Linux at Bayanihan ang mga sinubukan ko. Ang pag download ang uubos ng oras mo kasi 600+ mb ang kailangan mong ma download or isang CD para sa installation kaya kailangan mabilis ang internet connection, kung hindi aabutin ka ng siyam siyam bago ma download ang isang distro ng linux.
Sa mga nasubukan ko ang Bayanihan ang pinakamaganda para siyang windows xp pero kailangan ang computer mo e mataas na klase kasi kung hindi super sa bagal ito. Damn Small linux naman ang pwede sa mga lumang computer kaso kulang sa features.
Para sa akin windows pa din ang mas maganda o baka naman hindi ko pa lang masyadong kilala ang linux? =)
No comments:
Post a Comment