Minsan sa paghahanap ng magandang pangalan ng bata ay napapunta ako sa isang site na ito http://www.ehow.com/how_6628_give-baby-hebrew.html . Ito ay patungkol sa pagbibigay ng pangalang hebreo sa isang bata. Naitanong ko, bakit nga ba mahilig ang mga pinoy sa pangalan na nagmumula sa Biblia? at kung mapapansin natin kapag born again o relihiyoso ang ama't ina malamang lahat ng pangalan ng magiging anak nila ay galing sa biblia o hebreong pangalan. Naitanong kong muli, bakit nga ba?
Noong malapit ng ipanganak ang aking panganay ay nag-iisip ako ng ipapangalan sa kanya nais ko din na bigyan siya ng pangalang hebreo. Ngunit wala yata akong nagustuhan kung kaya't kumuha na lang ako ng ibang banyagang pangalan. Bakit nga ba ako kumuha pa ng banyagang pangalan e pwede naman akong magisip ng pangalan na nagmumula sa sarili kong bayan. Kaya ng magkaanak ulit ako ng isa pa ay pinangalanan ko siya ng pinoy na pangalan kaso mayroon pa ring banyaga na karugtong dahil iyon ang gustong ipangalan ng kanyang kapatid.
Bakit nga ba gusto natin ng hebreong pangalan? Hebreo ka ba?
No comments:
Post a Comment