Friday, October 21, 2005

Katulong

Ang hirap maghanap ng katulong ngayon sa bahay halos isang dosena na yata ang katulong na nasubukan namin. Sa dami nila e hindi ko na nga matandaan ang mga pangalan nila. Iba't ibang ugali may katangian ang mga katulong na nasubukan namin. Mayroon mabagal kumilos, may tamad, may iyakin, may dabog ng dabog, may telebabad, may txt ng txt, may malakas kumain may ayaw namang kumain, yung isa naman kumabit sa may asawa at yung kaaalis lang kahapon e pinupuslit ang gamit ng bata na matipuhan niya. Ito na yata ang pinakamalala. Apat na araw lang yata tumagal pinalayas na siya. Hindi lang yun ang isang ugali niya ay magbasa ng bible at ang bukambibig niya ay 'praise the lord' o 'thank you lord' hehehe kakaiba. Kamukat mukat namin e nawawalan na pala ng gamit yung anak naming bunso. Kaya ang hirap ding magtiwala sa tao kapag hindi mo pa talaga nakikilala. Hindi porket kristiyano at nagbabasa ng biblia ay pagtitiwalan kaagad minsan nga e yun pang mga nagbabasa ng biblia ang hindi mo dapat pagkatiwalaan.

Hay nako.... kaya ngayon wala na naman kaming katulong. Ang gulo na naman ng bahay hehehe. pero ok lang wala ka namang inaalalang katulong na hindi mo alam pagtalikod mo e undayan ka ng saksak. Tapos ang lahi mo.


No comments: