Wednesday, July 13, 2005

Ubo... ubo...

"Ubo... ubo...hay... medyo nakakarecover na ako ilang araw din akong nakaratay sa banig ng karamdaman hehehe. Halos apat na araw yata hindi ko mawari kung ano at paano ako nagkasakit ma back track nga.

July 13 - ok na ako medyo masakit pa ng konti ang lalamunan ko at may dry cough
July 12 - super sakit ng ulo at lalamunan ko namamaga yata ang tonsil ko
July 11 - super sakit ng ulo hindi masyado ang lalamunan kulay dilaw ang tingin ko sa puti
July 10 - plakda sama ng pakiramdam ko hilo hindi makatayo nilalagnat pa rin ginawa kong mani ang biogesic at strepsils =D
July 09 - parang sumasama ang pakiramdam ko at nung gabi nilagnat na ako
July 08 - ok naman sumisinghot singhot dahil sa sipon at uubo ubo kala ko pawala na kaya pinapak ko yung natitirang chocolate sa ref na parang maliliit na itlog na nakabalot sa palara
July 07-03 - medyo matindi ang sipon ko kapag suminga ako grabe ang dami hehehe
July 02 - kumain ako sa chowking at uminom ng iced tea na sandamakmak ang yelo, at pagkatapos pinunasan ko ng uhog si kyle hindi ko napansin meron palang natira sa daliri ko at naipahid ko sa ilong ko, yak! 8P
July 01 - Makisig na makisig ang pangromansa kong katawan =)




No comments: