Karamihan sa mga musikero ay nararanasan ang tinatawag na ugong sa tainga. Maaaring naranasan mo na rin ito kapag ikaw ay mahilig magpaputok tuwing bagong taon. Ito ay temporary lamang at pag dating ng ilang araw ay babalik na sa normal ang iyong pandinig ngunit kung ito ay sobrang lakas maaari din naman na naapektuhan na ang iyong tainga at ito'y permanente na.
Ang ugong na ito ay maihahalintulad natin sa kuliglig na ating naririnig sa gabi. Nagkaroon ako nito limang taon na ang nakakalipas at hanggang sa ngayon ay hindi pa naalis. Noong una ay nakakainis at nais mong ito ay maalis ngunit wala kang magawa. Malakas ang ugong na ito lalo kapag tahimik ang buong paligid. Ang sanhi nito ay ang pagkahilig ko sa malakas na musika.
Nitong nakaraan ay sinubukan kong ikunsulta ito sa doktor bagamat alam kong hindi na ito maaari pang magamot. Tinnitus ang sabi ng doctor at kailangan daw ng mga test pa para lalo pang malaman kung ang ang pinagmulan nito. Kaya't pinapunta ako ng doktor sa Manila hearing aid para isailalim ang aking tainga sa pagsusulit.
Ang sabi ng doktor sa akin na ang kanang tenga ko raw ay may mild hearing loss at ang kaliwang tenga ko naman ay severe hearing loss.
"HA?!! ganun? Bingengot na pala ako?!"
At ang masaklap pa nito kailangan ko pa raw ng isa pang test para malaman kung may tumor ako sa tainga. MRI or CT scan na magkakahalaga ng P12K.
"E kung may tumor nga at natanggal na ang tumor? mawawala ba ang ugong ko sa tainga? Gaganda ba ang aking pandinig?" tanong ko sa doktor
"Yang ugong at sira ng iyong tainga ay irreversible..." sagot ng doktor
Ibig sabihin wala ng pag-asa. Kailangan ng hearing aid para gumanda ang pandinig ko yun ang tanging solusyon sa pagka bingengot ko hehehe =)
"Paano kung may tumor nga at hindi ito natanggal?" tanong ko ulit sa doktor.
"Lalaki ito ng lalaki at maaaring mangiwe ang iyong mukha..." sagot ng doktor.
OWS? Ok lang pala e, Ngiweng bingengot hehehe =)
Kaya sa mahilig sa malakas na music ingat ingat lang medyo pansinin nyo na kung may ugong ang inyong tainga. Madali lang namang malaman e pumunta ka sa tahimik na lugar tapos takpan mo ang tainga mo pakinggan mo kung may kuliglig kung meron wala ka ng magagawa dyan tinnitus yan hanggang sa matodas ka hindi maaalis yang kuliglig na yan. Ok lang hindi ka naman ngiweng bingengot na katulad ko hehehe.
No comments:
Post a Comment