Thursday, July 21, 2005

Bornagain President

Maraming nagsasabi na kapag napalitan ng isang presidenteng may takot sa Dios(bornagain) ang pilipinas ay magbabago ang takbo ng pamumuhay natin. Hindi ako naniniwala sa pananaw na ito dahil si Bro. Eddie ay isang taong may takot sa Dios at may kakayahan para mamuno. Nabigyan siya ng pagkakataong kumandidato bilang pangulo ngunit siya ay natalo. Maaaring sabihin natin na natalo siya dahil may dayaang nangyari sa sistema ng ating halalan. Ngunit kung siya talaga ang pinili ng Dios upang mamuno sa ating bansa ay kahit anong kadayaan pa ang mangyari ay mananalo at mananalo siya dahil hindi kayang dayain ng sinuman ang Dios. Kaya naniniwala ako na ayaw ng Dios na mamuno ang isang bornagain sa bansang Pilipinas.

May plano ang Dios sa bansang Pilipinas kung ano iyon ay hindi natin alam. Kaya'y kung anuman ang mangyari ay tanggapin na lamang natin. Masama man o mabuti. Dahil ang lahat ng ito ay maglalakip lakip para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Dios.

No comments: