Thursday, February 24, 2005

Sinong May Kasalanan


Nabasa ko noon ang isang comic strip ni Charlie Brown sa isang dyaryo.
Kausap ni Charlie Brown ang isa sa kanyang mga kaibigan sa telepono.

"Alam mo ba, Charlie Brown ... ito ang unang araw ng eskwela at ako ay pinatawag sa principal's office at ito ay kasalanan mo."

"Kasalanan ko?" Nabiglang tugon ni Charlie Brown. "Paanong nangyaring kasalanan ko? Bakit ba parating ako na lamang ang sinisisi mo at sinasabing kasalanan ko?!"

"Hindi ba't ikaw ay kaibigan ko, Charlie Brown? Dapat ay maging magandang impluwensiya ka sa akin!"

Minsan ay natutulad tayo sa comic strip na ito. Sa kadahilanang hindi natin matanggap na kasalanan natin ang isang pangyayari ay naghahanap tayo ng maituturo at masisisi. Kailangan ay matutunan natin ang pagtanggap sa ating mga kasalanan at huwag sisihin ang tao o pangyayari na walang kinalaman mga nangyayari.

Thursday, February 10, 2005

Lovers in Paris

Maraming pinoy ang sumubaybay sa korea novelang Lovers in Paris. Minsan ay inaaabutan ko ito pero hindi ko na masundan ang kwento. Kaya naghanap ako ng pirated cd nito at bumili ako. Napanood ko na at medyo naintindihan ko na rin ang kwento bagamat hindi ko kumpletong pinanood. Sa aking pananaw ay walang kakaiba sa kwento nito.

Unang una hindi na kakaiba ang kulturang asiano na pinagkakasundo ang kanilang mga anak upang ipakasal sa isat isa para sa kapakanan ng kanilang negosyo marami na tayong napanood na ganito. Pangalawa ang pagkakagustuhan ng isang mayaman at ng isang mahirap mas marami na tayong napanood na ganito. Ang pang huli ay ang love triangle sa pagitan ng magkapatid o magkamag anak.

Kung ating susuriin ay walang pinagkaiba ito sa mga gawang pinoy na pelikula. Ngunit ang kinagusto ko dito ay ang emosyon na ibinibigay ng bawat artista sa karakter na kanilang ginagampanan. Nakakatuwa at nakakadala rin.

Bagamat hindi ko napanood ang kabuuan, ang eksenang nagustuhan ko ay ng umiyak si Shoo Hyug(Martin) ng siya ay nagkukunwaring hindi niya maalala ang kanyang mahal na si Tae Young(Vivian). Magaling din ang pagkakaganap ng artista kay Ki-Joo(Carlo) dahil sa kitang kita sa kanya ang katatagan at katigasan ng pagkatao ng isang presidente ng isang malaking kumpanya. Sa bandang huli ay kapansin pansin din ang mabilis na pagtulo ng luha ni Tae Young(Vivian) na sa tuwing makikita pa lamang niya si Ki-Joo(Carlo) ay nangingilid na kaagad ang kanyang luha.

Isang eksena rin na inabangan ko ay ang huling parte nito na malapit na silang magkita sa fountain na kanilang hinuhulugan ng barya. Hindi naman ako nabigo dahil makatotohanan ang kanilang facial expression na ipinakita ng sila'y magkita.

Ang kinainis ko e yung ending. Ang daming pwedeng gawing ending e bakit ang hindi pagiging totoo pa nito ang napili ng gumawa nito. Hindi ba nakakainis kapag nanaginip ka tapos nasa magandang parte ka na ng panaginip mo e bigla kang magigising hindi ba nakakainis yun. Akala mo totoo lahat tapos hindi pala.

Panoorin ko nga ulet baka magustuhan ko na yung ending kapag inulit ko =)

Monday, February 07, 2005

Litrato

Noong isang araw ay mayroon akong email na natanggap at ito ay naglalaman ng apat na litrato ng bata na halos buto't balat na lamang. Kung iyong titignan ay isa lamang itong pangkaraniwang email na ipinapasa at patuloy na ipinapasa lamang. Ngunit ng aking tignan ang mga litratong ito ay bahagya itong nakaapekto sa aking isipan.

Ang unang litrato ay nagsasaad ng isang bata na namumulot ng mga nalalaglag ng pagkain sa kalsada at ito ay kanyang kinakain. Ang pangalawa naman ay isang bata na nakasubasob sa puwitan ng isang hayop marahil ito'y isang baka, siguro ay naghihintay siya ng ihi nito upang makainom. Ang pangatlo naman ay bata din na animo'y naliligo habang ang baka ay umiihi. At ang pang-apat ay ang payat na payat na bata na nakasubsob sa kalsada at siya'y sinusundan ng buwitre. Hinihintay na lamang ng buwitreng ito na mamatay ang bata upang ito ay kanyang makain.

Sinasabi nating mabuti ang Dios sa lahat ng pagkakataon, ngunit naitanong ko sa sarili ko bakit ang mga batang ito ay tila yata pinagkaintan ng kabutihan ng Dios?


Friday, February 04, 2005

Gmail

Gusto mo bang magkaroon ng email na 1Gig(1000mb)? yup 1Gig talo nito ang yahoo na 250mb kung naghahanap ka eto try mo www.gmail.com ito rin ang may gawa ng google na site under trial pa nga lang beta version ika nga.

Try ko nga hehehe :D




Wednesday, February 02, 2005

Reward

Nabalitaan ko noong isang linggo ang isang tricycle driver na nagsauli ng naiwang salapi ng kanyang pasahero. Malaki ang halaga nito sa isang tricycle driver at kung itinago niya ang salaping ito ay maaari itong makatulong sa kanya para makaahon at umasenso sa buhay. Ngunit hindi niya iniisip ito at sa halip ay naging tapat siya at ibinalik niya ang salapi sa may-ari kahit na walang inaasahang kapalit. Maraming nakapansin sa ginawa niyang katapatan at bigla na lamang dumating sa kanya ang mga tulong at biyaya na makakapagahon sa kanila sa kahirapan. Hindi siya makapaniwala na ang pagtatapat pala niya na walang kapalit ay magiging isang biyaya para sa kanila.

Ano nga ba ang dahilan natin sa paglilingkod sa Dios?
Naglilingkod ba tayo dahil sa pagpapala o naglilingkod tayo kahit walang kapalit?