Naalala ko noong grade 1 pa ako. Umiyak ako dahil sa natalo ako ng kaklase ko sa math. Uso pa noon ang flash card at pagkatapos ay may dalawang estudyante na nakatayo sa dulo ng room at ang teacher naman ay nasa harap ng blackboard at hawak ang mga flash cards. Isa isa itong ipinapakita sa dalawang estudyante at kung sino ang unang sumagot ay hahakbang ng isa at kung sino ang unang makarating malapit sa teacher ay panalo. Hindi ko alam sa mga panahon na ito kung uso pa ito. Nagkataong itinapat ako sa pinakamagaling na estudyante sa aming klase at isa siyang babae. Habang inililipat ng teacher ang flash card ay panay ang sagot samantalang ako ay nangangamote sa kahahagilap ng isasagot. Sandali lang ay nakarating siya sa harapan at ako naman ay nanatili sa aking kinalalagyan hanggang sa matapos. Napaiyak na lamang ako dahil sa kahihiyan sa aking mga kaklase. Biro mo ni isa hindi ako nakasagot iyon din siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon e mahina ako sa math hehehe.
Nitong nakaraang linggo ay 1st periodical test ng anak kong grade 1. Ang hirap din palang magturo lalo na't hindi interesado ang iyong tinuturuan rereglahin ka maski na hindi ka pwedeng reglahin. Pero ok naman nakakasunod naman siya yun nga lang nakakasama ng loob ng makita ko na ang ilan sa mga resulta ng kanyang periodical test.
"FILIPINO? 75% KA?!! Anak ka ng kamote bakit nagkaganun? e tinuruan naman kita?!!" sabi ko anak ko na hindi rin alam kung bakit nagkaganoon ang kanyang score.
Habang tinitignan ko ang test paper ay nakita ko na madali lamang ang mga ito kung kaya't lalong sumama ang aking loob sa kanya. Sadya lang yatang mataas ang standard ng eskwelahan kanyang pinapasukan kung kaya't mababa ang kanyang score 41/55 = 75%. Naawa naman ako sa bata dahil kinuwento niya habang mangilidngilid ang luha na pinagtawanan daw siya ng kanyang mga kaklase sa score niya. Kaya sinabi ko sa kanya na kung ayaw niyang pagtawanan ng mga kakklse niya ay pag igihan niya ang pag aaral.
Anak ng kamote oo.
No comments:
Post a Comment