Pangkaraniwan na sa atin ang makakita ng naninigarilyo, nagsusugal, naglalasing at kung ano ano pang mga bisyo. Minsan ay naitatanong ko sa sarili ko lalong lalo na sa mga nagsisigarilyo kung bakit gustong gusto nilang ang klaseng bisyo na ito. Biro mo hihithitin mo ang usok ay ipapasok mo ito sa iyong baga at pagkatapos ay ibubuga. Konting usok nga lang ng sasakyan ay iwas na iwas na tayo yun pa kayang hithitin mo pa. Isa pang pinagtatakahan ko ay mga rugby boys na nagkalat sa lansangan halos isalaksak na nila sa kanilang ilong ang isang boteng rugby ng hindi man lamang nasasaktan ang ilong. Nagsisimula daw ang lahat ng ito sa patikim tikim at habang lumalaon hindi mo alam na ikaw ay lulong na sa mga bagay na iyong kinahuhumalingan. Ngunit naisip ko na malalaman at mauunawaan ko lamang ang kasagutan sa mga ito kung mararanasan ko din ang malulong sa mga bisyo.
Ikaw anong bisyo mo?
No comments:
Post a Comment