Thursday, January 13, 2005

ROBOT

Marahil ay maaalala mo pa at napanood na sa tv ang isang lumang komersyal ng isang eskwelahan. Ang komersyal na ito ay ang patungkol sa isang guro na nagtuturo at pagkatapos ay bigla siyang tumigil magturo sa kadahilanang siya pala ay isang robot na ginawa ng mga mag-aaral. Isa pang katulad na komersyal na ito ay ang mga kabataang naglalaro ng computer games at pagkatapos ay tinawag sila ng kanilang magulang upang mag-ayos ng kwarto. Imbes na sila ang mag-ayos ay mayroon silang isang batang robot na kanilang inutusan upang mag-ayos nito. Maaaring eksaherado ang komersyal na ito ngunit posibleng malapit na tayo sa teknolohiyang ito at makikita na natin ang utak ng mga robot na ito sa mga computer na ating ginagamit.

Sinabi ng Diyos: "Ngayon, lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin." (Gen.1:26)

Sinabi ng Tao: "Ngayon, lalangin natin ang robot. Ating gagawin siyang kalarawan natin."

Magkakaroon din kaya ng sariling pag-iisip ang mga robot na ito na susuway sa tao katulad ng pagsuway ng tao sa Diyos ...


No comments: