Nakatutuwang isipin na ang ating pamahalaan ay gumagawa ng paraan upang lutasin ang problema natin sa trapiko at sa mga kababayan nating walang disiplina sa lansangan. Ngunit ang nakakainis ay ang mga paraan nila upang lutasin ito bagamat hindi naman lahat ng paraan nila ay palpak.
Ang pinakabago nilang pakulo ngayon ay ang basang basahan. Nakita ko sa tv kung paano ang kanilang ginagawa para mapatabi ang mga tao upang sa bangketa lamang mag abang ng masasakyan. Ang nakakainis ay hindi ba nila naisip na ang tao ay parang langaw na nakadapo sa tae? na kapag tinaboy mo ay babalik at babalik din ang mga langaw na ito sa taeng kanilang kinadadapuan?
Palagay ko ay ito'y kapaguran lamang sa mga tauhan ng MMDA. Kapag daan ng kanilang trak na may basang basahan na tumutulo ay natural sa iiwasan ito ng tao at kapag naman nalampas na ang trak na ito ay babalik din sila sa lansangang kanilang kinatatayuan. Hindi bat wala itong kasilbe silbe?
Ewan ko lang dahil iyon pa lang ang nakita kong sistema nila sa basang basahan baka mayroon pang iba na hindi ko nakita na sana naman ay maging epektibo.
No comments:
Post a Comment