Wednesday, January 26, 2005

Hotwheels

Bakit kaya ang mahal mahal ng laruan na hotwheels?

Nitong bday ng anak ko ay napabili ako ng playset ng hotwheels, crash curve ang pangalan ng playset isang race track. Tinanong ko kung pwedeng buksan sabi nung sales lady e hindi pwede kasi naka seal. Tinignan ko na lang yung picture na nakalagay sa box sabi ko parang exiting yung race track. Worth P700 medyo may kamahalan pero may kasama ng isang hotwheels na car.

Pag-uwi ko pinakita ko sa anak ko. exited siya kasi ang ganda ng race track. Exiting ang pagbuo ng race track may mga stickers ka pang ididikit para mas magandang tingnan. Exited na rin kaming patakbuhin ang kotseng kasama nito.


Ang nasa isip ko at pati ng anak ko ay para itong roller coaster na magpapaikot ikot ang kotse sa race track pero hindi pala. Disaappointed kaming pareho ng anak ko dahil kapiraso lang pala ang tatakbuhin ng kotse at mahuhulog sa butas at tapos na. =( Kakailanganin mo pala ang malawak na imahinasyon para ma enjoy mo ang race track na ito tsk... kung nakita ko lang at nabuksan ito bago ko bilhin e hindi ko ito bibilhin.

http://www.toysrus.ca/TRUCA/images/common/prod/A926965F_1d.jpg

Bagamat made in china durable naman ang kotse ng hotwheels, yun nga lang yung plastic na race track e mukhang hindi magtatagal. hmmm P700.00? overpricing yata tsk... pangalan ng mattel ang binayaran ko.


Thursday, January 20, 2005

HOAX

Paano nga ba malalaman kung HOAX(pandaraya, panloloko, panggagantcho, pamemeke, pangagago, panguungas, panguuto at kung ano ano pang pang... :D) ang isang email. pronouced as hawks or hoks

Ganito ang gagawin nyo.

Nakareceive tayo ng email. Tapos nakalagay dun e hindi kapanipaniwalang impormasyon pagdudahan mo na na HOAX yun. Para makasigurado e magresearch sa internet tutal naka internet na rin lang tayo e gamitin na natin para hindi tayo forward ng forward ng email na HOAX pala.

Gamitin ang google (www.google.com) tapos type natin yung keyword na makikita natin sa email na pinadala sa atin, example yung pangalan nung taong nakalagay dun tapos dugtungan ng HOAX (ex. Kathy South Alcoa hoax) tapos search mo na. Makikita mo agad kung hoax yung email na yun pwera na lang kung bagong bago yung email at hindi pa naveverify ng iba kung totoo nga o hindi yung email.

Nakakasayang din kasi ng oras, imbes na naka forward tayo ng makabuluhang email(hehehe makabuluhan) e HOAX pala yung pinoforward natin.


Wednesday, January 19, 2005

War Freak!

Nitong nakaraang araw ay may nabalitaan tayong pulis na nag amok sa aklan at marami siyang napatay kasama na ang isang batang babae. Ang dahilan daw ng pag amok ng pulis na ito ay ang panggigipit at pananakot ng isang drug lord na naipakulong niya noong nagdaang taon. Maaring hindi niya ito nakayanan kung kaya't nawalan siya ng sariling bait at siya ay nag amok na.

Tayong mga kristiyano at tinaguriang spiritual na sundalo ng Dios. Mayroon din tayong mga giyerang nilalabanan at ito ay sa pamamagitan ng panalangin. Ngunit dumating din kaya sa ating buhay spiritual na magipit at matakot ng ating kaaway at makagawa tayo ng masama sa ating kapwa?

Mayroon din kayang matatawag na spiritual war freak?



Monday, January 17, 2005

Basang basahan

Nakatutuwang isipin na ang ating pamahalaan ay gumagawa ng paraan upang lutasin ang problema natin sa trapiko at sa mga kababayan nating walang disiplina sa lansangan. Ngunit ang nakakainis ay ang mga paraan nila upang lutasin ito bagamat hindi naman lahat ng paraan nila ay palpak.

Ang pinakabago nilang pakulo ngayon ay ang basang basahan. Nakita ko sa tv kung paano ang kanilang ginagawa para mapatabi ang mga tao upang sa bangketa lamang mag abang ng masasakyan. Ang nakakainis ay hindi ba nila naisip na ang tao ay parang langaw na nakadapo sa tae? na kapag tinaboy mo ay babalik at babalik din ang mga langaw na ito sa taeng kanilang kinadadapuan?

Palagay ko ay ito'y kapaguran lamang sa mga tauhan ng MMDA. Kapag daan ng kanilang trak na may basang basahan na tumutulo ay natural sa iiwasan ito ng tao at kapag naman nalampas na ang trak na ito ay babalik din sila sa lansangang kanilang kinatatayuan. Hindi bat wala itong kasilbe silbe?

Ewan ko lang dahil iyon pa lang ang nakita kong sistema nila sa basang basahan baka mayroon pang iba na hindi ko nakita na sana naman ay maging epektibo.



Thursday, January 13, 2005

ROBOT

Marahil ay maaalala mo pa at napanood na sa tv ang isang lumang komersyal ng isang eskwelahan. Ang komersyal na ito ay ang patungkol sa isang guro na nagtuturo at pagkatapos ay bigla siyang tumigil magturo sa kadahilanang siya pala ay isang robot na ginawa ng mga mag-aaral. Isa pang katulad na komersyal na ito ay ang mga kabataang naglalaro ng computer games at pagkatapos ay tinawag sila ng kanilang magulang upang mag-ayos ng kwarto. Imbes na sila ang mag-ayos ay mayroon silang isang batang robot na kanilang inutusan upang mag-ayos nito. Maaaring eksaherado ang komersyal na ito ngunit posibleng malapit na tayo sa teknolohiyang ito at makikita na natin ang utak ng mga robot na ito sa mga computer na ating ginagamit.

Sinabi ng Diyos: "Ngayon, lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin." (Gen.1:26)

Sinabi ng Tao: "Ngayon, lalangin natin ang robot. Ating gagawin siyang kalarawan natin."

Magkakaroon din kaya ng sariling pag-iisip ang mga robot na ito na susuway sa tao katulad ng pagsuway ng tao sa Diyos ...


Wednesday, January 12, 2005

Paniniwala


Mayroon akong paniniwala na maaaring hindi mo pinaniniwalaan. Mayroon kang paniniwala na maari ko namang hindi paniwalaan. Ngunit paano mong maiintindihan o mauunawaan ang aking paniniwala kung hindi mo ito paniniwalaan? At paano ko naman maiintindihan o mauunawaan ang iyong paniniwala kung hindi ko ito paniniwalaan? Kailangan mong paniwalaan ang aking paniniwala para mo ito maintindihan o maunawaan. Kapag nagkataon ang paniniwala ko ay magiging paniniwala mo na rin at ang hindi ko pinaniniwalaan ay hindi mo na rin paniniwalaan. Ano ang nangyari sa iyong dating paniniwala at hindi mo na ito pinaniwalaan? Dahilan ba sa naniwala ka sa aking paniniwala kung kaya't hindi mo na pinaniwalaan ang dati mong paniniwala? Paano kung mali ang aking paniniwala at ikaw pala ang tama? Paaano mong malalamang mali ang iyong paniniwala kung naniniwala kang ito ay tama?


Monday, January 10, 2005

Buhok

May mga pagkakataon na kapag kumakain tayo e nakakakita tayo ng buhok sa ating pagkain. Bakit nga ba nagkkaroon ng buhok ang pagkain? Ok lang kung buhok sa ulo e paano na kung buhok sa kung saan ang makita mo sa iyong pagkain ano ang gagawin mo?

buhok na deretso at mahaba - galing sa ulo

buhok na maigsi at manipis- galing sa kilay
buhok na maigsi, makapal at minsan ay kulot - galing sa ilong
buhok na mahaba ng konti at kulot - galing sa kili kili
buhok na mahaba haba mas kulot - pubic hair =D

Paano nga ba napupunta yan sa pagkain?

Wednesday, January 05, 2005

Photonski

Mukhang mag da down yung site na pinaglalagyan ko ng mga photos(www.photonski.com) tsk...


Trahedya

Marami na tayong nabalitaang trahedya na likha ng kalikasan. Bagyo, lindol, mga baha, landslide at kung ano ano pa. Kalimitan sa mga trahedyang ito ay may kinalaman ang mga tao. Dahil sa iresponsableng pagtrato ng tao sa kalikasan ay lumalala ang trahedya na bunga nito.

Nitong nakaraan ay ginulat tayo ng gawang trahedya ng kalikasan na tinatawag na tsunami. Mahigit daang libo na ang binawian ng buhay at marami din ang nasugatan at hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagdami nito. Habang pinapanood ang nakalulunos na balitang ito ay napasok sa isip ko ang mga katanungang ito.

1.Bakit nga ba hinahayaan ng Dios mangyari ang mga ganitong kapamahakan sa ating mga tao?

2.Ang tao ay likha ng Dios at Dios lamang ang may karapatang bumawi nito ngunit karapatdapat bang bawiin ang kanilang buhay sa ganitong kapamaraanan?

3.Ano nga ba ang kasiguraduhan natin na ililigtas tayo ng Dios kung sakaling dumating ang ganitong klaseng trahedya sa ating bansa?

Maaaring may iba't ibang sagot ngunit makakasapat kaya ang mga ito?