Bakit hanggang ngayon
sa kabila ng pagsusumikap
patuloy na naghihirap
abot-tanaw lamang ang sarap.
Sapat na kinikita sa isang araw
kaban pa ng bayan ang sumaklaw
upang makatulong kahit paano
sa ekonomiyang hindi gumagalaw
Ngunit bakit tila yata
ang nasa taas lang ang natutulungan
at ang mga taong nagbabahagi sa kaban
ay patuloy na nawawalan.
Napakasakit ng aking malaman
taong bayan pala'y ninanakawan
ng mga pinunong pinagkatiwalan
sa pag-unlad ng ating bayan
Kawawang Pilipinas
ano kaya ang binabagtas
ng mga taong pinagsasamantalahan
ng sariling kababayan.
Binaboy na ng ibang dayuhan
ang ating pinakamamahal na bayan
Bakit binababoy mo pa rin
ang ating mga kababayan.
No comments:
Post a Comment