Saturday, November 30, 2013

2 Samuel 24:24


I will not offer to the Lord my God sacrifices that have cost me nothing...

Friday, November 22, 2013

Tao at Kalikasan

Tao:
Bakit nagkaganyan
Bakit anong dahilan
mensahe na iyong tangan
kalakip ay dalamhati't kahirapan

pagkukulang ay batid
inaaming gawi'y hindi matuwid
ako lamang ay iyong kausapin
susubuking sarili'y baguhin


Kalikasan:
Mula't sapul ikaw ay sinungaling
dama ko na ikaw ay sakim
kahit anong kausap ko't hiling
pansin mo sa aki'y hindi ibinaling

Sa tigas ng ulo mo
ito'y kailangan mong danasin
upang magising ang diwa mo
na hindi man lang namamansin

Kaya't sa pamamagitan mo ginawa ko ito
upang iparamdam ko sa buong mundo
na sangkatauha'y kaya kong lipulin
kung hindi mo susundin aking habilin.

Kawawang Pilipinas

Bakit hanggang ngayon
sa kabila ng pagsusumikap
patuloy na naghihirap
abot-tanaw lamang ang sarap.

Sapat na kinikita sa isang araw
kaban pa ng bayan ang sumaklaw
upang makatulong kahit paano
sa ekonomiyang hindi gumagalaw

Ngunit bakit tila yata
ang nasa taas lang ang natutulungan
at ang mga taong nagbabahagi sa kaban
ay patuloy na nawawalan.

Napakasakit ng aking malaman
taong bayan pala'y ninanakawan
ng mga pinunong pinagkatiwalan
sa pag-unlad ng ating bayan

Kawawang Pilipinas
ano kaya ang binabagtas
ng mga taong pinagsasamantalahan
ng sariling kababayan.

Binaboy na ng ibang dayuhan
ang ating pinakamamahal na bayan
Bakit binababoy mo pa rin

ang ating mga kababayan.