Kahapon ay napadpad na naman ako sa divisioria. Pangalawang punta ko ito pitong walong taon na ang nakakaraan. Ayoko pumunta dito kasi kahit anong araw ay napakaraming tao. Kahapon ay immaculada concepcion at walang pasok ang mga catholic schools wala ring pasok ang aming opisina kung kaya't nagyaya ang misis ko na mamili na raw kami ng mga pangregalo sa darating na pasko sa divisoria. Mura daw ang mga bilihin dito at marami kang pagpipilian mula sa damit pagkain at mga laruan ng mga bata.
Pagpunta namin ay sa mga bangketa pa lamang ay punong puno na ng mga paninda at napakarami na ring tao. Totoo nga na mura ang mga paninda at pwede ka pang tumawad wholesale ang bentahan dito kaya pala maraming negosyante ang namimili dito ng kanilang mga paninda. Pinuntahan namin ang 168 shopping mall malaki ito at dito ay tiyak ko na marami kang mabibili. Siksikan ang tao gitgitan at usad pagong ang paglakad. Buti na lamang ay malamig ang panahon at may aircon ang mall na ito kung hindi ay paniguradong tatagaktak ang pawis mo at puputukan ka habang namimili.
Halos lahat yata ng may ari ng mga stall ay intsik at kung tatawad ka ay maghanap ka ng singkit na mata na tindero o tindera at may pag-asang makakatawad ka. Kailan kaya mangyayari na pinoy ang mayari at intsik ang trabahador? hmmm... Ngunit ang tanong ko lang ay matitibay naman kaya mga produkto na itinitinda dito? Gaano kaganda ang kalidad ng mga ito? Pero kung ang iniisip mo ay ang pagtitipid ay tiyak na makakatipid ka.
Sa panahon naman daw ng kapaskuhan ay hindi mahalaga ang ibinigay mo ang mahalaga ay nakaalala ka. Totoo kaya yun? =)
No comments:
Post a Comment