Wednesday, November 30, 2005

Tuesday, November 15, 2005

Pasalubong


Isang araw ito ang pasalubong sa akin ng anak ko. Hindi ko alam kung magagalit o maaawa.

Tuesday, November 08, 2005

SWAN

Dalawang beses ko ng napapanood ang programang swan sa channel 23. Kakaiba talaga ang nagagawa ng makabagong teknolohiya lalo na sa larangan ng medesina. Biro mo ang mga pangit sa iyong katawan ay aalisin o aayusin upang maging maganda ka.

Nakakatakot nga lang na baka sa susunod nilang palabas ay hindi na babae ang kanilang contestants kundi mga bading na gustong maging babae. Darating talaga ang panahon na hindi ka na makakasiguro kung tunay na babae o tunay na lalaki ang kausap mo.

Saturday, November 05, 2005

Panahon


Nakakapanghinayang talaga ang panahon lalo na kapag ginugol mo lamang ito sa wala. Bihira lamang ang ganitong pagkakataon upang magawa mo ang mga bagay na dapat mong gawin ngunit hindi mo ito nagawa. Katulad na lamang ng mga nagdaang araw na walang pasok mula Okt. 31 hanggang Nob.6 ay wala akong pasok. Bago pa lamang dumating ang mahabang bakasyon na ito ay inisip ko na ang mga gagawin ko sa bahay ngunit wala ni isa man lamang sa mga ito ang nangyari. Sa lunes ay balik trabaho na naman kaya't hinayang na hinayang ako sa mga araw na nagdaan. Ang tanging nagawa ko lamang ay mag alaga ng bata at hindi naman siguro nasayang ang mga araw dahil isa itong paraan para lalo pang maging malapit ang loob ng isang anak sa kanyang magulang. Simple lamang ang buhay ng isang batang apat na buwang gulang. Kapag gising ng bata sa umaga siya ay maglalaro, dedede, magpapakarga at pagkatapos nito ay matutulog. Pagkagising ay ganun ulit hanggang sa umabot na ng gabi. Hindi ka naman pwedeng gumawa ng ibang bagay dahilan sa binabantayan mo siya. Hindi ba't parang nasayang ang isang araw mo kung sa ganito mo lamang gugugulin? Sa kabila ng panghihinayang na iyan inari ko ang lahat ng ito na isang panahon na mahalaga dahil pagdating ng panahon ay masasabi ko na naalagaan ko ang aking anak noong siya'y apat na buwang gulang pa lamang.

Kapag tanda ko kaya at ako ay wala ng kakayahang alagaan ang aking sarili, mayroon kayang mag aalaga sa akin?

Thursday, November 03, 2005

Pangalan

Minsan sa paghahanap ng magandang pangalan ng bata ay napapunta ako sa isang site na ito http://www.ehow.com/how_6628_give-baby-hebrew.html . Ito ay patungkol sa pagbibigay ng pangalang hebreo sa isang bata. Naitanong ko, bakit nga ba mahilig ang mga pinoy sa pangalan na nagmumula sa Biblia? at kung mapapansin natin kapag born again o relihiyoso ang ama't ina malamang lahat ng pangalan ng magiging anak nila ay galing sa biblia o hebreong pangalan. Naitanong kong muli, bakit nga ba?

Noong malapit ng ipanganak ang aking panganay ay nag-iisip ako ng ipapangalan sa kanya nais ko din na bigyan siya ng pangalang hebreo. Ngunit wala yata akong nagustuhan kung kaya't kumuha na lang ako ng ibang banyagang pangalan. Bakit nga ba ako kumuha pa ng banyagang pangalan e pwede naman akong magisip ng pangalan na nagmumula sa sarili kong bayan. Kaya ng magkaanak ulit ako ng isa pa ay pinangalanan ko siya ng pinoy na pangalan kaso mayroon pa ring banyaga na karugtong dahil iyon ang gustong ipangalan ng kanyang kapatid.

Bakit nga ba gusto natin ng hebreong pangalan? Hebreo ka ba?