Saturday, May 28, 2005

She's with the Lord



"Sis irene is now resting, she's with the Lord..." ito ang mga katagang na receive ko sa isang txt message na nanggaling sa aking kapatid. Nakakabigla at hindi kapanipaniwala na ang isa sa mga mahal natin sa buhay ay biglang mawawala o sumakabilang buhay na. Nasagi tuloy sa isipan ko ang kasabihang pilipino na "una una lang yan..."

Isang mabait na tao ang kapatiran naming ito at maituturing ko siyang isang modelo sa pagdating sa larangan ng pananalangin. Isa siya sa malapit na kaibigan ng aming pamilya at naging kabalikat sa mga gawain sa loob ng iglesia bilang isang prayer warrior. Maging ang kaniyang mga anak ay nakasama namin mula pa ng kanilang pagkabata hanggang sa ngayon sa paninilbihan sa Panginoon.

Nakalulungkot isiping ang paninilbihan niyang ito ay nagtapos na at ngayon ay kapiling na niya ang dati rati'y pinanalanginan niya. Kung noon ay kinakausap niya ang Dios ng hindi nakikita ngayon ay mukhaan na niya itong makakausap.

Nalaman ko na siya ay may sakit at marahil hindi na niya ito nakayanan ay bumigay ang pisikal niyang katawan. Hindi ba't siya'y isang prayer warrior? Ano ang nangyari sa panalangin? Hindi ba siya sinagot?Ano ang dahilan? Bakit kinuha siya agad? Napakabata pa niya? Ilan lamang ito sa mga katanungan na naglalaro sa aking isipan, tanong na may bahid ng sama ng loob. Ngunit alam ko na Dios lamang ang maaaring makasagot.

Paalam sa iyo kapatid, tunay na ibinigay mo ang iyong buhay para makapaglingkod sa Dios. Patuloy na mabubuhay ka sa aming alaala. Paalam hanggang sa muli nating pagkikita.

Thursday, May 12, 2005

Sobra init!!

Sobra at grabe ang init ngayon ibang klase, habang naliligo ka e pinagpapawisan ka din hehehe. Tapos may balita pang may leak ang tubo ng tubig ang nawasa at matatagalan bago ma repair maaapektuhan daw ang distribusyon ng tubig sa metro manila. Kaya ayun maligo na lang sa sariling pawis ang alang tubig, buti na lang malapit na ang tag ulan =)

Nakaamoy ka na ba ng taong naligo sa sariling pawis? HAYUPP! SUPERR!

Sumakay ako ng bus kahapon pauwi tuwang tuwa ako at nakatyempo ako na malakas ang aircon. Kalimitan kasi kapag sumakay ka ng aircon na bus e malamig pa sa labas kesa sa loob. Kaya ayun komportable ako sa pagkakaupo at ine enjoy ang lamig na bumubuga sa akin. Aba e bigla ba namang mayrong isang mama na sumakay at tila yata bagong paligo.

Bagong paligo nga!! Bagong paligo sa sariling pawiss!!!

Sa dinami rami ng mauupuan e dito pa sa tabi ko umupo ang HAYUPP!! at SUPERR!! na bagong paligo sa pawis na mama. Paupo pa lang siya ay humalimuyak na ang kanyang HAYUPP!! at SUPERR!! na kabanguhan.

Aba! bakit ganito tila yata humina ang aircon. HINDDEEE!!! ang HAYUPP!! at SUPERR!! na bagong paligo sa pawis na mama ay natatabunan ang blower ng aircon. Langhap na langhap ko ang lahat ng halimuyak ng pawis sa kanyang nanlalagkit na katawan.

After 5 minutes e hindi ko na nakayanan kaya't pasimple akong nagtatakip ng ilong. Bukod sa katabi kong mama ay may katabi pa akong babae na nasa tabi ng bintana, nasa gitna ako ay ang mamang humahalimuyak ay nasa kanan ko. Tila yata hindi na rin nakatiis ang babaeng katabi ko at naglabas ng cologne at nilagyan ang kanyang braso. Ang masama nito ay parang napagkamalang ako ang HAYUPP!! at SUPERR!! na nangangamoy. After 10 minutes hinding hindi na ako makatiis, buti na lang ay may biglang bumaba sa may bandang harapan at dali dali akong tumayo at lumipat. Hayan magsama kayong dalawa dyan!

Hay salamat at nakahinga ako ng maluwag =)

Paano kaya kung hindi na imbento ang deodorant?

Monday, May 09, 2005

Salita

Marahil ay narinig na natin ang mga katagang "I render your word powerless in the name of Jesus..." isa yata ito sa mga pinauso ng mga bornagain. Maririnig mo ito sa bornagain kapag nag kausap niya ay nagbigkas ng negatibo, hindi kaaya aya sa kanyang pandinig o hindi ayon sa kanyang paniniwala. Katulad ng "mamatay ka na sana..." "wala akong pera..." "magkakasakit yata ako..." at kung ano ano pang negatibong bagay na mabibigkas ng isang tao.

Minsan ay napapangiti na lamang ako kapag naririnig ko ang katagang iyon sa kapatirang bornagain. Nakuha yata ang doktrinang ito sa Kawikaan 18:21, Mateo 18:18 at sa Genesis ng lalangin ng Dios ang lahat ng bagay sa anim na araw lamang. Sinasabi na nilalang ng Dios ang lahat sa pamamagitan ng salita lamang at kung ikaw ay isang anak ng Dios maaaring taglay mo rin ang katangian ng Dios na lumalang o sumira sa pamamagitan ng pananalita lamang. Sinasabi naman sa kawikaan na sa dila nakasalalay ang buhay at kamatayan. Ang sabi naman sa mateo na kung ano man ang ipagbawal o ipahintulot sa lupa at ganun din ang mangyayari sa langit.

Nagkakatotoo nga ba ang sinasabi ng bornagain?
Nagkakatotoo nga ba ang sinasabi ng hindi bornagain?
O kinokontra ng mga katagang "I render your word powerless in the name of Jesus..."?

Tuesday, May 03, 2005

Biblia

Ang Biblia ay sinulat ng mga simpleng tao lamang. Sila'y ginabayan ng Dios sa kanilang pagsusulat upang wala silang maisulat na kamalian. Ang pagsusulat nila ay simple lamang, katulad ni Pablo gumawa lamang siya ng liham sa kaniyang mga kapatiran at hindi niya alam na iyon pala ay magiging bahagi ng Biblia.

Marami tayong mababasang libro ngayon na patungkol sa Dios. Ang mga may akda nito ay katulad din lamang ng mga tao na sumulat ng Biblia. Ngunit ginabayan din ba sila ng Dios sa kanilang pagsusulat? Kung sila'y ginabayan ng Dios, matatawag ba nating walang kamalian o perpekto ang kanilang isinulat? Kung ang aklat na kanilang isinulat ay walang kamalian o perpekto, baka ito ay kasama sa Biblia.

Anong palagay mo??? hmmm...