Tuesday, April 26, 2005

Pambata


Noong maliit pa ako ay marami akong pinaniniwalaan. Naniniwala ako noon sa mga kwento kwento. Naniwala ako na ang isang palaka ay pwedeng maging prinsipe kapag nahalikan ng isang prinsesa. Naniwala akong ang tao ay galing sa nabiyak na kawayan at ang pangalan nila'y si Malakas at si Maganda. Naniwala akong ang anghel ay may pakpak at lumilipad na katulad ng ibon. Naniwala akong may kupido na pumapana ng mga puso para umibig ang isang lalake at isang babae. Naniwala ako na kapag ako ay salbahe ay hindi ako bibigyan ni santa klaws ng regalo sa pasko. Naniwala akong kapag ako ay natulog na basa ang buhok ako ay mabubulag. Ngunit ang mga bagay na ito'y akin nang kinalakihan at ang mga paniniwalang ito'y kusa na lamang nawala at hindi ko na pinaniniwalaan, ito'y mga paniniwalang pambata na hindi na bagay sa katulad kong may edad na.

Sa buhay kristiyano may paniniwala rin kayang pambata?

No comments: