Katatapos lang ng holy week. 1 week akong bakasyon wala akong ginawa kundi manood ng tv humilata, matulog at kumain sa bahay habang ang iba ay abalang abala sa kung anong mayroong aktibidad sa kanilang iglesia. Ang iba naman ay nagbabagong buhay ng isang linggo at pagkatapos ay ng mahal na araw ay balik din sa dating pag-uugali. At least nagbagong buhay maski isang linggo lang hehehe.
Ako? yun nga, ang ginawa ko e manood lang ng tv maghapon marami kasing palabas na tagalog sa hindi katulad noon na kapag mahal na araw wala kang mapanood sa tv sarado lahat ng istasyon ng tv pero ngayon sunod sunod ang mga palabas. Kaya ayun makati at namumula ang aking mga mata hanggang ngayon para akong may sore eyes hehehe.
Ni hindi ko nagawang hawakan at magbasa ng biblia, para maiba naman. Hindi rin ako nakinig o nanood ng 7 last words na karaniwan kong ginagawa kapag mahal na araw. At imbes na umattend ng service noong linggo ay lumabas kami at nagswimming.
Naging makabuluhan ba ang aking holy week?
Ikaw naging makabuluhan ba ang iyong holy week?
Naging holy nga ba ang holy week?
Mga walang kwentang bagay na nasa isip ko na ayaw kong malaman mo pero nais kong ipabasa sayo. Kung hindi mo babasahin hindi mo malalaman ang walang kwentang bagay na ayaw kong ipaalam sa iyo. Kaya huwag mong basahin.
Monday, March 28, 2005
Wednesday, March 09, 2005
Health Card
Habang ako ay nag aayos ng aking gamit sa aking drawer ay may napansin akong tila parang isang credit card na nasa isang sulok. Bagong bago pa ito at bihira ko yatang makita. Ito pala ay isang health card na binayaran ko ng isang taon kada sweldo at nag expire na noong nakaraang buwan ng pebrero. Nanghinayang ako sa binayad ko sa card na ito sa kadahilanang ni isang beses ay hindi ko man lamang nagamit. Kung inipon ko ang ang binayad ko mula noong isang taon ito ay malaki laki na rin.
Ngunit napagisip isip ko na hindi pala ako dapat manghinayang bagkus ay magpasalamat pa. Mahigit isang taon na pala akong hindi nagkakasakit ng malubha. Isa pala itong pagpapala na dapat na ipagpasalamat at ang health card na ito ay ang nagsilbing paalala upang malaman ko na dapat pala akong magpasalamat sa ating Dios na nagbibigay sa atin ng sapat na kalusugan.
Subscribe to:
Comments (Atom)