Maliit pa ako e lagi kong pinapanood ang pelikulang Jesus Christ Superstar. Betamax pa ang uso noon at habang pinapaulit ulit mo ang tape e lumalabo ng lumalabo dahil sa nagagasgas ito.Maski hindi mahal na araw at palagi naming pinapanood ito dahil siguro sa maganda ang mga tono ng mga awit dito at maganda din ang pagkakagawa ng pelikula na hindi nakakasawang panoorin.
Noong nakaraang araw ay napadaan ako sa national bookstore at doon ko nakita na naka sale ang pelikulang ito. Hindi ako nagdalawang isip at binili ko ang vcd na ito. Nang ako'y umuwi ay para akong isang bata na may dalang laruan na gustong gustong makita ang bitbit na bilihin. Nang akin na itong pinanood ay tila yata may salamangka ang pelikulang ito dahil halos lahat ng eksena ay nais kong makita at mapakinggan.
Si Hudas ay isa sa mga karakter na nagbigay buhay sa istorya at ito ng pinaka matinding linya na kanyang binitiwan...

Does he love me too? Does he care for me?
My mind is in darkness.
God, God I'm sick.
I've been used, And you knew all the time.
God, God I'll never ever know why you chose me for your crime.
You're so bloody, Christ.
You have murdered me.
At pagkatapos niyang sambitin ito ay nagbigti na siya.
Minsan ay nangyayari din sa atin ang mga bagay na hindi natin gusto pero wala tayong magagawa dahil ito ang kagustuhan ng Dios. Pero sa kaso ni Hudas katulad ng kanyang tanong sa pelikulang ito ay minahal nga ba siya ng Dios? Bakit nga ba siya ang pinili para ipagkanulo si Kristo? Pinili niya bang mapunta sa impyerno o sadyang hindi siya kabilang sa kawan ng Panginoon? Ikaw kabilang ka ba sa kawan o hindi? Paano mo malalaman?